E. Arsenio Manuel
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Esperidión Arsenio Manuel (1909 - 2003), na kilala bilang E. Arsenio Manuel, ay isang akademiko, mananalaysay, at antropologo ng Pilipinas na kilala sa kanyang mga kontribusyon sa antropolohiya, kasaysayan, panitikan, at lingguwistika ng Pilipinas.[1] Sa loob ng tatlong dekada na akademikong karera sa Unibersidad ng Pilipinas, sumulat siya ng isang mahalagang survey ng mga epikong bayan ng Pilipinas, at responsable sa pagtuklas at paglalathala ng mga katutubong epiko mula sa mga mamamayang Manuvu, Matigsalug, at Ilianon.[1] Ilan sa mahalagang saliksik niya ang apat na bolyum na Dictionary of Philippine Biography (1955-1970), Tayabas Tagalog Fragments from Quezon Province (1958), A Survey of Philippine Folk Epics (1963), A Lexicographic Study of Tayabas Tagalog in Quezon Province (1971), Documenting Philippinesian: An Inquiry into the Ancestry of the Filipino People (1994). [2]
Minsan siya ay tinutukoy bilang "Dekano ng Filipino Antropolohiya" at "Ama ng Makabagong Pag-aaral ng Polklor sa Pilipinas." [1][3][4][5]
Remove ads
Mga pangunahing parangal
Isa sa pinakamahalagang parangal na iginawad kay E. Arsenio Manuel ay ang Gawad Para sa Sining ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas noong 1989; at ang Dangal Alab ng Haraya Award ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining para sa isang panghabambuhay na tagumpay sa kultural na pananaliksik, noong 2000.[1]
Ginawaran rin si E. Arsenio Manuel ng Philippine Social Science Council bilang National Social Scientist ng Pilipinas noong 1991.[1]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads