Ehipto
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Ehipto, opisyal na Republikang Arabe ng Ehipto, ay isang republika sa hilagang-silangang Aprika at maliit na bahagi ng timog-kanlurang Asya.
May sukat na 1,020,000 km², hinahanggan ang Egypt ng Libya sa kanluran, Dagat Mediterraneo sa hilaga, Israel sa hilagang-silangan, Dagat Pula sa silangan, at Sudan sa timog.

Ang Ehipto ang pinaka-mataong bansa sa Aprika at sa Gitnang Silangan. Nakatira ang karamihan ng mga 76 milyong katao ng Ehipto sa hindi hihigit sa isang kilometro ang layo mula sa pampang nga Ilog Nile (mga 40,000 km²), kung saan dito lamang matatagpuan ang lupang agrikultural na maaaring mapagtatamnan ng halaman. Ang disyerto ng Sahara ang malalaking bahagi ng lupa nito at madalang lamang ang may nakatira. Ang Agusan ng Suez ay isa sa pinakamahalagang agusan sa pandaigdig na kalakalan at may malaking ambag sa pambansang ekonomiya ng Ehipto.[2] Sa kasalukuyan, nasa urban ang karamihan ng mga taga-Ehipto, nakatira sa mga matataong lugar katulad ng Cairo, ang pinakamalaking lungsod sa Aprika, at Alexandria.
Lubos na kilala ang Ehipto sa kanyang sinaunang kabihasnan at ilang sa mga nakakamanghang lumang bantayog, kabilang ang Mga Piramide ng Giza, ang Templo ng Karnak at ang Lambak ng mga Hari; naglalaman ang katimogang lungsod ng Luxor ng isang malaking bilang ng mga lumang artifact. Ngayon, malawak na itinuturing ang Ehipto bilang isang pangunahing politikal at kultural na sentro ng Arabo at Gitnang Silangang mga rehiyon.

Remove ads
Mga teritoryong pampangasiwaan
Tingnan din
Talababa
![]() | Mukhang kailangan pong ayusin ang bahagi na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Pebrero 2025)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: Translation needed |
Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads