Libya

From Wikipedia, the free encyclopedia

Libya
Remove ads

Ang Libya (Arabo: ‏ليبيا Lībyā) ay isang bansa sa Hilagang Aprika, napapaligiran ng Dagat Mediterranean, matatagpuan sa pagitan ng Ehipto sa silangan, Sudan sa timog-silangan, Chad at Niger sa timog at Algeria at Tunisia sa kanluran. Tripoli ang kapital na lungsod nito. May tatlong tradisyunal na mga seksiyon ang bansa: ang Tripolitania, ang Fezzan at Cyrenaica.

Tungkol sa Libya na bansa sa Hilagang Aprika ang artikulong ito. Para sa karakter pang-mitolohiya, tingnan: Libya (mitolohiya).
Agarang impormasyon Estado ng Libyaدولة ليبيا (Arabo)Dawlat Lībiyā, Kabisera at pinakamalaking lungsod ...
Remove ads

Hinango ang pangalang "Libya" mula sa kataga ng lumang taga-Ehipto na "Lebu", na tumutukoy sa mga tribong Berber na nakatira sa kanluran ng Ilog Nile, at nilinang sa Griyego bilang "Libya". Sa lumang Gresya, may malawak na kahulugan ang kataga, sinasakop ng lahat ng Hilagang Aprika sa kanluran ng Egypt, at minsan tumutukoy sa buong kontinente ng Aprika.

Naging malaya ang Libya at naging Kaharian ng Libya noong 1951. Pinamumunuan ito ni Muammar al-Gaddafi mula 1969 hanggang 2011, na nailuklok sa pamamagitan ng kudeta. Noong Pebrero 2011, isang malawakang kilos protesta ang naganap sa Libya na naghihimok laban sa pamahalaan ni Gaddafi. Noong 23 Pebrero 2011, ang oposisyon ay sinasabing kontrolado na ang maraming lungsod sa Silangan at Gitnang Libya. Noong 27 Pebrero isang National Transitional Council ay binuo bilang "katawan ng himagsikan" [2][3] Noong Oktubre 2011, natapos ang digmaang sibil na nagresulta sa pagbagsak ng Libyan Arab Jamahiriya (Pamahalaan ni Gaddafi). Kasalukuyang nasa isang transition government ang pamamahala ng bansa.[4]

Remove ads

Tingnan din

Sanggunian

Loading content...
Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads