El Nido, Palawan
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Palawan From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Bayan ng El Nido ay isang bayan at marine reserve park sa lalawigan ng Palawan, Pilipinas. Ito ay may 420 kilometrong layo sa timog-kanluran ng Maynila. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 51,367 sa may 12,632 na kabahayan. 85% ng mga tao dito ay naninirahan sa mga bukirin, samantalang 15% na nalalabi ay makikita sa Población (town proper).


Ang bayan ay makikita sa pinakahilagang dulo ng pulo ng Palawan. Ito ay binubuo ng 45 na mga pulo na may iba't ibang itsura at porma. Katulad ng kabuuang Palawan, ang El Nido ay kabilang sa Eurasian Plate, isang plate na hiwalay sa Philippine Plate na siyang kinabibilangan ng kabuuang bansa. Ang mga limestone cliffs na matatagpuan dito ay katulad ng mga matatagpuan sa Ha Long Bay sa Vietnam, Krabi sa Tailanda at Guillin sa Tsina na bahagi rin ng Eurasian Plate.
Remove ads
Pamahalaan
Noong panahon ng mga Espanyol, ang El Nido ay parte ng Probinsiya ng Castilla, kung saan ang kabisera nito ay ang munisipyo ng Taytay. Ngunit noong 1916 ito ay inihiwalay sa munisipyo ng Taytay at naging isang malayang bayan.
Ang El Nido ay nahahati sa 18 mga barangay:
- Bagong Bayan
- Buena Suerte (2.ª Zona)
- Barotuan
- Bebeladan
- Corong-corong (4ª Zona)
- Mabini (anteriormente Oton)
- Manlag
- Masagana (3.ª Zona)
- New Ibajay
- Pasadeña
- Maligaya (4.ª Zona)
- San Fernando
- Sibaltan
- Teneguiban
- Villa Libertad
- Villa Paz
- Bucana
- Aberawan
Remove ads
Demograpiko
Mga sanggunian
Mga Kawing Panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads