Elebeytor
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang elebeytor[1] (tinatawag din bilang elebador o asensor[2] na parehong hango mula sa Kastila) ay isang uri ng sasakyang naglululan ng tao, kargamento o bagay sa pagitan ng mga palapag (o kubyerta) ng isang gusali, barko o ibang estruktura. Pinapaandar ito ng mga makinang dekuryenteng motor na pinapapatakbo ng mga kable o mga sistemang panimbang (tulad ng birada), o kaya'y nagbobomba ito ng pluidong hidroliko upang magpaandar ng isang mala-gato (jack) na piston.
Tipikal na pataas at pababa ang paghahatid nito, bagaman, may ilang elebeytor na naglalakbay ng pahalang.[3] Maaring dumepende ang mga elebeytor sa lubid o hindi.[4] May mga pamantayan sa kaligtasan sa paglalakbay sa elebeytor at isa na dito ang mga pamantayang pangkaligtasan ng Unyong Europeo na nilabas noong Pebrero 28, 2014 para sa adopsyon nito sa pamamagitan ng notipikasyong direktibo.[5]
Remove ads
Kapasidad
Maaring maliit ang mga elebeytor na residensyal na sapat lamang sa isang tao habang may ilan naman ang may kalakihan para higit sa isang dosena. Ang mga elebeytor na plataporma (o pang-wheelchair o upuang-de-gulong), isang espesyalisadong uri ng elebeytor na dinisenyo na ilipat ang isang upuang-de-gulong na may sukat na 3.7 m (12 ft) o mas maliit pa dito, ay maaring ilulan ang isang tao na nasa upang-de-gulong na may bigat na 340 kg (750 lb).[6]
Remove ads
Mga mabibilis na elebeytor sa mundo
Hinahawak ng Guangzhou CTF Finance Centre ang kasalukuyang tala ng pinakamabilis na elebeytor na may mga sasakyan na lumalakbay sa bilis na 75.6 kilometro bawat oras (47.0 milya bawat oras). Ang elebeytor, na sinubok ang bilis noong Hunyo 2017, ay ginawa ng Hitachi, at kinumpirma ang Pandaigdigang Tala ng Guinness noong Setyembre 2019.[7]
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads