Eskorbuto

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang eskorbuto[1] o iskurbuto[1] (Ingles: scurvy[1][2], Kastila: escorbuto[1]) isang uri ng karamdaman na idinudulot ng pagkakaroon ng kakulangan sa bitamina C ng katawan. Kinakikitaan ang taong may ganitong sakit ng pagdurugo ng gilagid at balat, ng kadalian sa panghihina o panlulupaypay ng katawan.[2]

Sa mga sanggol o bata, isa sa mga sanhi nito ang pagpapakain o pagpapainom sa mga ito ng puro kondensadang gatas lamang, ngunit nalulunasan kapag binibigyan ang mga sanggol o bata ng isang kutsarita ng katas ng narangha dalawang ulit sa loob ng isang araw.[3] Kilala rin ang eskurbuto bilang karamdaman ni Barlow o sakit ni Barlow (Barlow's disease)   na ipinangalan mula kay Gat o Ginoong Thomas Barlow (1845–1945), bagaman minsang itinuturing ito bilang isang partikular na uri o anyo lamang ng eskorbuto.

Ginagamit ding pamalit na tawag para sa karamdaman ni Barlow ang eskorbutong pambata (infantile scurvy) at eskorbutong rakitis (scurvy rickets).[3] Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng unang pagsubok na pangklinika,[4] napaunlad ng Eskoses na manggagamot na si James Lind ang teoriya na ang mga bungang sitrus ay nakapagpapagaling ng eskorbuto.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads