Estadong pulis
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang estadong pulisya (Ingles: police state) ay isang katagang orihinal na tumutukoy sa isang estado na pinangangasiwaan ng isang administrasyong sibil, subalit magmula noong kalagitnaan ng ika-20 daantaon, ang katawagan ay naging isang madamdamin at mapanirang kahulugan para sa isang pamahalaan na hindi makatwirang nagpapatupad ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pulisya.[1]
Ang mga nakatira sa loob ng isang estadong pulis ay nakararanas ng mga pagbabawal sa kanilang paggalaw, at sa kanilang kalayaan na maipahayag o maipadama ang pananaw na pampulitika at iba pang mga pananaw, na minamanmanan at ipinatutupad ng mga pulis. Ang kontrol na pampulitika ay maaaring ipilit sa pamamagitan ng isang puwersa ng mga pulis na lihim na gumagalaw sa labas ng normal na mga hangganan na ipinapataw ng isang estadong pangkonstitusyon.[2] Si Robert von Mohl, na unang nagpakilala ng pangangasiwa ng batas o rule of law sa hurisprudensiyang Aleman, ay ipinagkaiba at inihambing ang Rechtsstaat (estadong "legal" o "konstitusyonal") sa aristokratikong Polizeistaat ("estadong pulis").[3]
Remove ads
Kasaysayan ng paggamit
Ang katagang "estadong pulis" ay unang ginamit noong 1851 bilang pagtukoy sa paggamit ng isang puwersa ng pambansang pulisya upang makapagpanatili ng kaayusan at katiwasayan sa Austria.[4] Binakas ng Oxford English Dictionary ang pariralang "police state" mula 1851. Ang katagang Aleman na Polizeistaat ay ginagamit sa wikang Ingles noong dekada ng 1930 bilang pantukoy sa mga pamahalaang totalitaryano na nagsimulang lumitaw sa Europa.[5]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads