Fibonacci

From Wikipedia, the free encyclopedia

Fibonacci
Remove ads

Si Fibonacci ( /ˌfɪbəˈnɑːi/;[3] bigkas din EU /ˌfbʔ/,[4][5] Italyano: [fiboˈnattʃi]; mga 1170 – mga 1240–50),[6] kilala din bilang Leonardo Bonacci, Leonardo of Pisa, o Leonardo Bigollo Pisano ('Leonardo, ang Manlalakbay mula sa Pisa'[7]), ay isang Italyanong matematiko mula sa Republika ng Pisa, na tinuturing na "ang pinakatalentadong Kanluraning matematiko ng Gitnang Panahon".[8]

Agarang impormasyon Kapanganakan, Kamatayan ...

Gawa-gawa lamang ang pangalan na karaniwan siyang kilala, ang Fibonacci, noong 1838 ni Guillaume Libri, isang Pranko-Italyanong dalubhasa sa kasaysayan[9][10] at pinaikling filius Bonacci ('anak ni Bonacci').[11][b] Bagaman, kahit noong mas maagang 1506, isang notaryo ng Imperyong Romanong Perizolo ay binanggit si Leonardo bilang "Lionardo Fibonacci".[12]

Pinasikat ni Fibonacci ang sistemang pamilang Hindu-Arabe sa kanluraning mundo sa pamamagitan ng kanyang komposisyon noong 1202 na Liber Abaci (Aklat ng Kalkulasyon).[13][14] Ipinakilala din niya sa Europa ang pagkasunod-sunod na mga bilang na Fibonacci, na ginamit niyang halimbawa sa Liber Abaci.[15]

Remove ads

Mga pananda

  1. Hindi alam ang aktuwal na itsura ni Fibonacci.[1]
  2. Ang etimolohiya ng Bonacci ay "mabuting loob", kaya nangangahulugan ang buong pangalan niya bilang "anak ng isang mabuting loob [na pamilya]".[7]

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads