Francis Burton Harrison

Amerikano-Pilipinong politiko From Wikipedia, the free encyclopedia

Francis Burton Harrison
Remove ads

Si Francis Burton Harrison (18 Disyembre 1873 21 Nobyembre 1957) ay naglingkod bilang Amerikanong Gobernador-Heneral ng Pilipinas. Siya nagsilbing Kinatawan ng Estados Unidos. Siya ay isang tagapayo ng pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas. Siya ang tanging Gobernador-Heneral ng Pilipinas na pinagkalooban ng pagkamamamayang Pilipino.

Agarang impormasyon Gobernador-Heneral ng Pilipinas, Pangulo ...
Remove ads

Talambuhay

Si Harrison ay ipinanganak sa Lungsod ng New York kina Burton Harrison na isang abugado at pribadong sekretarya ng Confederate President Jefferson Davis, at Constance Cary Harrison na isang nobelista at arbiter na panlipunan. Siya ay apo sa tuhod ni Thomas Fairfax, 9th Lord Fairfax of Cameron. Sa pamamagitan ni Fairfax sa kapanganakan at kasal, si Harrison ay kamag-anak ng mga tagapagtatag na ama ng Estados Unidos na sina Gouverneur Morris, Thomas Jefferson, Robert E. Lee, the Randolphs, Ishams, at Carters. Si Harrison ay nagtapos sa Yale University noong 1895 kung saan siya kasapi ng lihim na lipunang Skull and Bones.[1]:166. Siya ay nagtapos sa New York Law School noong 1897 at mula 1897 hanggang 1899, ay guro sa dibisyong panggabi ng New York Law School. Kalaunang siyang nagsilbi sa United States Army noong Digmaang Espanyol-Amerikano sa simula bilang captain at kalaunang assistant adjutant general.

Remove ads

Gobernador-Heneral ng Pilipinas

Si Harrison ang Gobernador-Heneral ng Pilipinas mula 1913 hanggang 1921 at nagsagawa ng "Pilipinisasyon" ng serbisyong sibil na ikinigalit ng mga Amerikano sa Pilipinas. Noong 1913, ang mga opisyal na Pilipino sa serbisyong sibil ay 6,363 at ang mga opisyal na Amerikano sa Pilipinas ay 2,623 ngunit noong 1921 ay tumaas ang bilang ng mga opisyal na Pilipino sa 13,240 at bumagasak ang mga opisyal na Amerikano sa Pilipinas sa 614. Siya ay binatikos ng mga Amerikano sa pagbabago sa isang "kolonyal na pamahalaan ng mga Amerikano na tinutulungan ng mga Pilipino" tungo sa isang "pamahalaan ng mga Pilipino na tinutulungan ng mga Amerikano" at bilang "isang laruan at kasangkapan ng mga pinuno ng Partido Nacionalista".[2]

Remove ads

Kamatayan

Thumb
Libingan ni F.B. Harrison sa Sementeryong Norte sa Maynila.

Si Harrison ay namatay sa Hunterdon Medical Center sa Raritan Township malapit sa Flemington, New Jersey. Kanyang isinaad sa kanyang kalooban na ilibing siya sa Pilipinas. Siya ay inilibing sa Libingang Norte sa Maynila.[3]

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads