Francis II, Banal na Emperador Romano

From Wikipedia, the free encyclopedia

Francis II, Banal na Emperador Romano
Remove ads

Si Francisco II (Ingles: Francis II, Aleman: Franz II) (12 Pebrero 1768 – 2 Marso 1835) ang ang huling emperador ng Banal na Imperyong Romano na naghari mula 1792 hanggang 6 Agosto 1806, kung saan binuwag niya ang imperyo pagkatapos ng pagkatalo ng Ikatlong Koalisyon mula kay Napoleon sa Labanan sa Austerlitz. Sinundan niya si Leopold II. Nooong 1804, itinatag niya ang Imperyong Austriyano at naghari bilang Francisco I ng Austria (Franz I.), siya rin ang unang Emperador ng Austria (Kaiser von Österreich), na naghari mula 1804 hanggang 1835. Dahil dito, itinuring siyang unang Doppelkaiser (dalawang emperador) sa kasaysayan. Mula 1804 hanggang 1806, ginamit niya ang titulo at pamantayang buhat sa grasyang pinagkaloob ng Panginoon sa inihalal na Emperador Romano, na parating kay Augusto, ang tagapagmanang Emperador ng Austria, kung saan siya at tinawag ding emperador ng mga bansang Alemanya at Austriya. Siya rin ang Apostolikong Hari ng Unggarya bilang I. Ferenc., Hari ng Croatia-Slavonia bilang si Franjo I., at Hari ng Bohemya bilang František I. Naglingkod din siya bilang unang pangulo ng Kumpederasyong Aleman nang ito ay itinatag noong 1815.

Agarang impormasyon Francisco II at I, Panahon ...

Sa panahon ni Francisco II, ipinagpatuloy niya ang kampanya ng mga estado sa ilalim ng Banal na Imperyong Romano laban sa mga Digmaaong Napoleoniko ng Napoleonikong Pransiya, at nakakuha ng maraming pagkatalo sa Austerlitz. Ang sapilitang pagpapakasal ng kanyang anak na si Maria Luisa ng Austria kay Napoleon I noong 10 Marso 1810, ay itinuturing na isa sa kanyang matinding pagkatalo. Pagkatapos iwanan ni Napoleon ang trono ng Imperyong Pranses pagkatapos ng Digmaan ng Ikaanim na Koalisyon, umanib ang Austria sa Alyansang Banal sa Kongreso ng Vienna, kung saan isa sa mga maimpluwensiyang kasapi nito ay ang punong tagapayo ni Francisco II, ang Prinsipe ng Metternich, kung saan binuo nito ulit ang isang makabagong Europa at ang pagbabalik ng ilang lupaing nakuha ng Digmaang Napoleoniko (maliban na lamang sa mga estadong naging malaya nang buwagin ang Banal na Imperyong Romano). Dahil sa pagbuo ng Konsiyerto ng Europa na lubhang nanggipit sa mga ideyang liberal at nasyonalismo, tinuring ding isang reaksiyunaryo si Francisco II sa panahon ng kanyang paghahari.

Remove ads

Kamag-anakan

Mga anak

Isang anak na babae ang nagign anak ni Francis II mula kay Duchess Elisabeth ng Württemberg, habang walong anak na babae at apat naman na lalaki mula kay Maria Theresa ng Dalawang Sicily

Karagdagang impormasyon Pangalan, Kapanganakan ...
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads