Freddie Aguilar

Pilipinong manunugtog From Wikipedia, the free encyclopedia

Freddie Aguilar
Remove ads

Si Ferdinand Pascual Aguilar (Pebrero 5, 1953 – Mayo 27, 2025), higit na kilala bilang Freddie Aguilar o Ka Freddie Aguilar, ay isang Pilipinong mang-aawit. Kilala siya sa pag-awit niya ng "Bayan Ko", na naging awit ng oposisyon ng rehimeng Marcos noong Rebolusyong EDSA ng 1986,[1] at sa awitin niyang "Anak", ang pinakamabentang awiting Pilipino.[2]

Agarang impormasyon Kabatiran, Pangalan noong ipinanganak ...

Siya ay nakapag-aral ng "electrical engineering" sa De Guzman Institute of Technology ngunit hindi nakapag-tapos ng kanyang programa. Sa halip, pinursige nito ang pagiging musikero mula sa kalye hanggang sa mga bar. Noong 1973, napangasawa niya si Josephine Quiepo.

Iniwan ni Freddie Aguilar ang kanyang mga magulang at paaralan na di pa natatapos sa edad na 18. Dahil dito, nailikha niya ang kantang "Anak" na nagsisilbing paumanhin sa kanyang pagkakamali.

Remove ads

Pagiging Aktibista

Limang taon bago niya isulat ang "Anak", Si Freddie Aguilar ay sumali sa mga protesta laban sa gobyerno noong panahon ni Marcos sa pamamagitan ng pag-sulat ng mga awitin. Ang mga kanta na nagpabawal sa kanya sa publiko ay ang "kata-rungan", "Pangako", at "Luzviminda" na naghihikayat sa mga Pilipino na magising sa katotohanan. Nakikilala rin siya sa pagdagdag ng verse sa "Bayan Ko".

Pagpuri sa ibang bansa

Ang "Anak" ay di lang nakakamit ng mataas na bilang sa charts ng Pilipinas ngunit pati na rin sa karatig bansa. Nakabilang ang kantang ito sa Japan sa unang ranko at nabigyangg halaga sa Indonesia, Malaysia, Hong Kong, at mga bansa sa Europa. Ang kanta ay naging tanyag at naisulat sa 23 ibat-ibang lengwahe. Ang Billboard ay rumeporta na ito ay ang ikalawang hit na awit noong 1980s. Ito rin ay naitalagang highest selling record sa kasaysayan ng musika sa Pilipinas.

Remove ads

Sa kasalukuyan

Nakatira pa rin si Freddie sa bansa at nasa kalagyan kung saan may mga panatiko itong "Ka Freddies". Malakas ang kanyang ugnay sa mga sambayanang Pilipino at mga kababayang naninirahan sa ibang bansa.

Noong 18 Enero 2008, siya ay naparangalan ng Asia Star Award sa prestihiyosong Korea Asia Model Award Festival

Diskograpiya

Karagdagang impormasyon Taon, Pamagat ...
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads