Gary Valenciano
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Edgardo Jose "Gary" Santiago Valenciano (ipinanganak noong 6 Agosto 1964), na kilala rin bilang Gary V. at Mr. Pure Energy, ay isang mang-aawit, mananayaw at kompositor mula sa Pilipinas. Naglabas si Valenciano ng 26 album, at nanalo sa Awit Awards para sa "Best Male Performer" nang 11 ulit. Noong 1998, siya ang naging kauna-unanhang Pambansang Embahador ng UNICEF Philippines. Kabilang sa kaniyang mga tanyag na awitin ang "'Di Bale Na Lang", "Eto Na Naman", "Sana Maulit Muli", "Natutulog Ba Ang Diyos?", "Gaya ng Dati", "Pasko Na, Sinta Ko" at "Narito".
Kasalukuyan siyang bahagi ng ABS-CBN, at madalas siyang napipiling umawit para sa mga awit na pangteleserye ng mismong estasyon at ng mga pelikula ng Star Cinema.
Pinagkalooban si Gary Valenciano ng ASAP Elite Platinum Circle Award for 2008 para sa kaniyang mga pambihirang natamong tagumpay sa local na panghimig na industriya. Sa higit na tatlong dekada sa industriyang panghimig, ginantimpalaan siya ng 5 platinum albums, 4 na dobleng platinum albums, 3 tripleng platinum albums, at 2 sekstuple (anim na ulit) na platinum albums.
Remove ads
Talambuhay
Ipinanganak si Gary Valenciano sa Santa Mesa, Maynila noong 6 Agosto 1964. Ikaanim siya sa pitong anak nila Vicente Calacas Valenciano, isang Bikolano na mula sa Camalig, Albay[2] at Grimilda Santiago y Olmo, isang Puwertorikenya na mayroong lahing Italyano[3][4] mula sa Arecibo.[1] Nagkakilala ang kaniyang mga magulang sa New York, nagpakasal at nanirahan sa Maynila.
Personal na buhay
Ikinasal si Gary Valenciano kay Maria Anna Elizabeth "Angeli" Pangilinan at mayroon silang tatlong anak: Paolo Valenciano (bokalista ng bandang Salamin at ikinasal kay Samantha Godinez), José Angelo Gabriel Valenciano (mang-aawit, mananayaw at pianist, at ikinasal kay Tricia Centenera) at Kristiana Maria Mikaela. Kasalukuyan siyang mayroong diabetes at nagging tagapag-taguyod siya ng ilang produktong pangkalusugan na mayroon kinalaman sa kaniyang kalagayan.[5]
Remove ads
Pilmograpiya
Pelikula
Telebisyon
Mga sanggunian
Mga link na panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads