Geoffrey Chaucer

From Wikipedia, the free encyclopedia

Geoffrey Chaucer
Remove ads

Si Geoffrey Chaucer (c. 1343 – 25 Oktubre 1400), kilalá bílang Ama ng Panitikang Ingles, ay malawakang itinuturing bílang pinakamahusay na makatang Ingles ng Gitnang Panahon at ang kauna-unahang makata na inilibing sa Poets' Corner ng Westminster Abbey.

Agarang impormasyon Kapanganakan, Kamatayan ...

Nakamit niya ang katanyagan noong buháy pa siya sa pagiging manunulat, pilosopo, at astronomo, sa pag-akda ng siyentipikong tratado sa astrolabe para sa kaniyang sampung taóng gulang na anak na si Lewis, napanatili rin ni Chaucer ang aktibong tungkulin sa serbisyo sibil bílang burukrata, kortesano at diplomatiko. Kabílang sa marami niyang akda ang The Book of the Duchess, The House of Fame, The Legend of Good Women at Troilus and Criseyde. Higit na kilalá siya ngayon dahil sa The Canterbury Tales.

Si Chaucer ay naging mahalaga sa paglinang ng pagkalehitimo ng bernakular, ang Gitnang Ingles, noong panahon na ang namamayagpag na wikang pampanitikan sa Inglatera ay Pranses at Latin.

Remove ads

Búhay

Si Geoffrey Chaucer ay isinilang sa Londres sa loob ng taóng 1343, bagama't ang tiyak na petsa at lokasyon ng kaniyang kapanganakan ay walang nakakaalam. Ang kaniyang ama ay parehong tagagawa ng alak (vintner) sa Lonres; ang ilang mga nakaraang henerasyon ay mga mangangalakal sa Ipswich. is father and grandfather were both London vintners; several previous generations had been merchants in Ipswich. Ang apelyido niya ay mula sa salitang Pranses na chausseur, na ibigsabihin ay "sapatero".[1] Noong taóng 1324, si John Chaucer, ang ama ni Geoffrey, ay dinakip ng tita nitó sa kagustuhang ipakasal ang labindalawang taóng gulang na laláki (na si John Chaucer) sa anak niya (ng tita) upang manatili ang ari-arian sa Ipswich. Ang tita niya ay nakulong at sa multang £250 nitó ay nangangahulugan na ang pamilya nila ay financially-secure—mga bourgeois, kung hindi man elite.

Noong 1359, sa mga unang yugto ng Hundred Years' War nilusob ni Edward III ang Pransiya habang si Chaucer ay naglalakbay kasáma nina Lionel of Antwerp, Unang Duke ng Clarence, at asawa ni Elizabeth, bílang bahagi ni Hukbong Ingles. Noong 1360, nahúli si Chaucer sa paglusob sa Rheims. Nagbayad si Edward ng £16 bílang pantubos kay Chaucer, isang malaking halaga, at si Chaucer ay pinakawalan.

Pagkatapos nitó,ang búhay ni Chaucer ay wala nang katiyakan, ngunit parang naglakbay siya sa Pransiya, Espanya, at Flanders, marahil bílang mensahero at bakâ para magperegrinasyon papuntang Santiago de Compostela.

Siya ay pinaniniwalaang namatay dahil sa mga hindi malámang sanhi noong 25 Oktubre 1400, ngunit walang matibay na katunayan sa petsang ito, dahil mula lámang ito sa nakaukit sa puntod niya, na tinayô mahigit isang daang taon matapos ang kaniyang kamatayan.

Remove ads

Impluwesiya

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads