George Washington

From Wikipedia, the free encyclopedia

George Washington
Remove ads

Si George Washington (22 Pebrero 1732 – 14 Disyembre 1799) ay ang pangunahing pinunong militar at pampolitika ng bagong Estados Unidos ng Amerika noong mga taong 1775 hanggang 1797, at namuno sa tagumpay ng Estados Unidos sa Britanya noong Digmaan ng Himagsikang Amerikano bilang punong komandanto ng Hukbong Kontinental, 1775–1783, at nangasiwa sa pagsulat ng Konstitusyon noong 1787. Bilang tanging pagpipilian bilang unang pangulo ng Estados Unidos (1789–1797), itinatag niya ang mga pamamaraan at ritwal ng pamahalaan na ginagamit hanggang sa kasalukuyan, tulad ng sistema ng gabinete at pagpapahayag ng salitang inaugural. Gumawa ang pangulo ng isang matatag na pamahalaang pambansa na umiwas sa digmaan, kinitil ang paghihimagsik, at tinanggap ng mga iba't ibang uri ng mga Amerikano. Mula noon itinanghal siya bilang "Ama ng Kanyang Bayan", si Washington, kasama si Abraham Lincoln (1809–1865) ay naging mga pangunahing simbulo ng pagpapahalagang republikano, pagbibigay ng sarili para sa bansa, nasyonalismong Amerikano, at ang pinakamabuting paraan ng pagsasama ng pagkapinunong sibil at militar.

Agarang impormasyon Ika-1 Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika, Pangalwang Pangulo ...
Remove ads

Talambuhay

Ipinanganak siya sa Westmoreland County, Virginia. Nahalal siya bilang manunuri o surveyor para sa Culpeper County noong 1749. Noon namang 1753, ipinadala siya ng gobernador ng Virginiang si Gobernador Dinwiddie upang makipag-usap sa mga Pranses sa Ohio Valley. Nataas siya bilang tenyente koronel noong 1754. Naging pinuno siya ng hukbo ng Virginia mula 1755 hanggang 1758. Isa siyang delegado ng Unang Kongresong Kontinental (1774), at gayundin ng Pangalawang Kongresong Kontinental (1775). Sa taong 1775, nahalal din siya bilang hepe ng mga puwersang Amerikano. Naging pangulo siya ng Kumbensiyong Pederal noong 1787, at naging pangulo ng bansang Estados Unidos mula 1789 hanggang 1797.[1]

Napangasawa niya si Martha Curtis noong 1759. Nagkaroon sila ng dalawang apo, sina George Washington Parke Curtis at Eleanor Parke Curtis. Namatay si George Washington sa Mount Vernon.[1]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads