Giacomo Puccini
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Giacomo Antonio Domenico Michele Secondo Maria Puccini (Italyano: [ˈdʒaːkomo putˈtʃiːni]; 22 Disyembre 1858 – 29 Nobyembre 1924), na pangkalahatang nakikilala bilang Giacomo Puccini, ay isang Italyanong kompositor na ang mga opera ay nasa piling ng pinakamadadalas na itinatanghal sa pamantayang repertoryo.[1]

Tinawag si Puccini bilang "ang pinakamahusay na kompositor ng operang Italyano pagkaraan ni Verdi".[2] Habang ang kaniyang maaagang mga akda ay nag-ugat sa tradisyunal na romantikong opera ng Italya noong hulihan ng ika-19 daantaon, matagumpay niyang napaunlad ang kaniyang akda na nasa estilo ng 'makatotohanang' verismo, kung saan siya ay naging isa sa nangungunang mga tagapagtaguyod.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads