Goa

From Wikipedia, the free encyclopedia

Goamap
Remove ads

Ang Goa /ˈɡ.ə/ ay ang pinakamaliit na estado ng India, at ikaapat na may pinakakaunting populasyon. Matatagpuan sa kanlurang India sa rehiyong na kung tawagin ay Konkan, ito ay pinalilibutan ng mga estado ng Maharashtra sa hilaga, ng Karnataka sa silangan at timog, habang ang Dagat Arabiano naman ang kanlurang baybayin nito. Ang Goa ang pinakamayaman na estado ng India na may per capita GDP na dalawa't kalahati ang taas kaysa sa buong bansa.[4] Ito rin ang nangungunang estado sa imprastruktura ayon sa Eleventh Finance Commission at may pinakamataas na kalidad ng buhay sa India ayon National Commission on Population batay sa 12 pamantayan.[4]

Agarang impormasyon Bansa, Rehiyon ...

Panaji ang kabisera ng estado, habang ang Vasco da Gama naman ang pinakamalaking lungsod nito. Ang makasaysayang lungsod ng Margao ay makikitaan pa rin ng impluwensiya ng mga Portuges, na unang dumaong noong ika-16 siglo bilang mangangalakal at kalauna'y sumakop dito. Ang Goa ay dating lalawigan ng Portugal; ito ay ang ibayong-dagat na teritoryo ng Portuguese India na umiral ng 450 taon, hanggang 1961 nang ito'y isinanib na sa India.[5][6]

Dinadalaw ang Goa ng maraming dayuhan at lokal na turista taon-taon dahil sa mga dalampasigan nito, pook dalanginan at ang Lumang Goa. Mayaman din ang flora at fauna ng Goa, dahil na rin sa lokasyon nito sa kabundukan ng Western Ghats, na itinuturing na isang hotspot ng sanlaksang-buhay.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads