Balarila
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Sa linggwistika, ang balarila, gramatika o gramar ay ang hanay ng mga panuntunan kung paano itinatayo ang isang likas na wika, tulad ng ipinakita ng mga nagsasalita o manunulat nito. Ang mga tuntunin sa gramatika ay maaaring may kinalaman sa paggamit ng mga sugnay, parirala, at salita. Ang balarila[1] ay maaaring tumutukoy rin sa pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga sumusunod: pakakabalangkas ng mga salita (morpolohiya); ng palaugnayan (syntax) o pagsasaayos[2] upang ang mga salita ay maging makabuluhang mga pangungusap; ng palatunugan o wastong pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng mga salita at parirala; at ng palaugatan o etimolohiya ng mga salita.
Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang inihahambing sa wastong paggamit (ayon sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at palaugatan ng mga salita. Kung minsan, tumukoy din ang salita sa mga aklat na pambalarila, na nagiging batayang simulain, pamatagan o saligan ng mga kaalaman. Tinatawag din itong palatuntunan ng isang wika.[3]
Remove ads
Palaugatan
May iilang hinala sa pinagmulan ng salitang balarilà. Ayon kay Lope K. Santos, nagmula ito sa paghahalo ng badya o babala at dila, kung saan naging r ang d dahil sa pagbabagong multuringin. Dagdag niya, linikha ang salita ng dating Samahan ng mga Mananagalog, noong 1905-1906. Hindi siya sumang-ayon sa palagay na mula sa balana at dila ang salita, sa kadahilanang isa ring likhang salita ang balana, mas huli pa kaysa sa balarila.[4]
Remove ads
Tingnan din
Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads