Gresya
bansa sa timog-silangang Europa From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Grecia (Griyego: Ελλάδα, tr. Elláda), opisyal na Republikang Heleniko, ay nagbabahagi ng mga hangganan ng lupa sa Albanya sa hilagang-kanluran, Hilagang Masedonya at Bulgarya sa hilaga, at Turkiya sa silangan. Ang Dagat Eheo ay nasa silangan ng kontinente, ang Dagat Honiko sa kanluran, at ang Dagat ng Creta at ang Dagat Mediteraneo sa timog.
Ang Grecia ay matatagpuan sa pagitan ng Europa, Asia, at Aprika. Dito naganap ang Klasikong Kabihasnan; naging pangunahing bahagi ng Silangang Imperyo Romano, at apat na siglo ng paghahari ng Imperyong Otomano. Tinaguriang "Duyan ng Sibilisasyong Kanluranin" at pinagmulan ng demokrasyang pamahalaan, pilosopiyang kanluranin, ang mga palarong Olimpiko, panitikang kanluranin, agham pampolitika, mga pangunahing prinsipyo ng karunungan, at teatro, ang kasaysayan ng Grecia ay mahaba at makulay, at ang kulturang naiwan nito ay naipamana rin mga lupain ng Hilagang Aprika, sa Gitnang Silangan, at naging basehan ng kultura ng Europa at ng tinatawag na Kanluran.
Sa ngayon, ang Grecia ay isang makabagong bansa, miyembro ng Unyong Europeo mula noong 1981. Ang kabisera ay Atenas, at ang ibang mga pangunahing lungsod ay Tesalonika, Patras, Heraklion, Bolos, at Larisa.
- napapaligiran ng mga dagat: Dagat Egeo sa silangan, Dagat Honiko sa kanluran, Mediterraneo sa timog.
- klima: katamtaman at maaliwalas.
- likas na kagandahan ng bansa: bughaw na kalangitan, kumikinang na karagatan at magagandang tanawin.
Remove ads
Relihiyon
![]() | Ang bahaging ito ay dapat pang palawakin. (Nobyembre 2009) |
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads