Gregorio Nacianceno

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Si Gregorio Nacianceno ( Griyego: Γρηγόριος ὁ Ναζιανζηνός Grēgorios ho Nazianzēnos; c. 329[1] – 25 Enero 389 o 390 CE[1]) at kilala rin bilang Gregorio ang Teologo o Gregorio Nazianzen ang ika-4 na siglong Arsobispo ng Constantinople. Siya ay malawakang itinuturing na ang pinakadalubhasang istilistang retorikal ng panahong patristiko.[2]:xxi Bilang isang sinanay na klasikong orador at pilosopo, kanyang ipinakilala ang pilosopoiyang Helenistiko sa maagang simbahang Kristiyano na nagtatag ng paradigm ng mga teologo at opisyal ng simbahan na Bizantino.[2]:xxiv Si Gregorio ay nakagawa ng isang mahalagang epekto sa paghuhugis ng teolohiyang Trinidad sa mga teologong nagsasalita ng Griyego at Latin at inaalala bilang ang "Teologong Trinitariano". Ang karamihan sa kanyang mga kasulatang teolohikal ay patuloy na nakakaimpluwensiya sa mga modernong teologo lalo na tungkol sa relasyon sa tatlong persona ng Trinidad. Siya ay kabilang sa mga amang Capadocio.

Agarang impormasyon San Gregorio Nacianceno, Ipinanganak ...
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads