Gripon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang gripin o gripon (mula sa Ingles na griffin, griffon, o gryphon; Kastila: grifo) ay isang nilalang mula sa mitolohiya ng sinauna at midyibal na kapanahunan. Nagmula ang katawagang griffin mula sa salitang Latin na gryphus, na may ibig sabihing "may baluktot na ilong". Ang gripin ay may katawan ng leon at ulo at mga pakpak ng agila. Ayon sa mga alamat mula sa Silangan, ang mga gripin ang mga tagapagbantay ng ginto ng Hilaga mula sa mga Arimaspian ng bulubunduking Rhipaean.[1]
- Huwag itong ikalito sa bahagi ng bahay na gripo.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads