Guanosine

From Wikipedia, the free encyclopedia

Guanosine
Remove ads

Ang Guanosine ay isang nukleyosidang purine na nakakabit sa isang ribosang (ribofuranose) singsing sa pamamagitan ng isang β-N9-bigkis na glikosidiko. Ang Guanosine ay maaaring maposporila na maging guanosine monophosphate (GMP), cyclic guanosine monophosphate (cGMP), guanosine diphosphate (GDP), at guanosine triphosphate (GTP). Ang mga anyong ito ay gumagampan ng mga mahahalagang papel sa iba't ibang mga prosesong biokemiko gaya ng sintesis ng mga asidong nukleyiko at mga protina, potosintesis, kontraksiyon ng masel at intraselular na transduksiyon ng signal (cGMP). Kapag ang guanine ay ikinabit ng nitrohenong N9 nito sa karbong C1 ng isang deoksiribosang singsing, ito ay kilala bilang deoksiguanosine. Ang guanosine ay kailangan para sa reaksiyon ng pag-iisplisa ng RNA sa mRNA kapag ang sariling nag-iisplisang intron ay nag-aalis ng sarili nito mula sa mensaheng mRNA sa pamamagitan ng pagputol sa parehong mga dulo, muling nagbibigkis at nag-iiwan lamang mga exon sa anumang gilid upang isalin sa protina.[1]

Agarang impormasyon Mga pangalan, Mga pangkilala ...
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads