Guiyang
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Guiyang ay ang kabisera ng lalawigan ng Guizhou sa Timog-kanlurang Tsina. Matatagpuan ito sa gitnang bahagi ng lalawigan, sa silangan ng Talampas Yunnan–Guizhou, at sa hilagang pampang ng Ilog Nanming, isang sangay ng Ilog Wu. May elebasyon ito na humigit-kumulang 1,100 metro (3,600 talampakan). May lawak itong 8,034 kilometro kuwadrado (3,102 milya kuwadrado).[1] Ayon sa Senso 2010, ang populasyon nito ay 4,324,561 katao, 3,037,159 sa kanila ay nakatira sa 7 mga distritong urbano.[2]
Napalilibutan ang Guiyang ng mga bundok at gubat, at mayroon itong mahalumigmig na klimang subtropikal. Tinitirhan na ang pook mula pa noong panahon ng Tagsibol at Taglagas, at pormal itong naging kabisera ng lalawigan noong 1413, sa panahon ng dinastiyang Yuan. Tahanan ang lungsod ng malaking populasyon ng mga Miao at Bouyei na etnikong minorya. May samot-saring ekonomiya ang Guiyang na kinagisnang sentro ng paggawa ng aluminyo, pagmina ng phosphate, at pagyari ng mga kagamitan sa paningin (optical instruments). Ngunit kasunod ng mga pagbabago, malaking bahagi ng benta (eocomic output) ng lungsod ay sa sektor ng paglilingkod. Mula noong 2015, naranasan nito ang nakapuntiryang mga pamumuhunan sa big data at mabilis na naging isang pusod ng lokal na inobasyon ang lungsod.
Remove ads
Mga paghahating pampangasiwaan
Ang buong pamprepektura na teritoryo ng Guiyang ay kasalukuyang binubuo ng anim na mga distrito, isang antas-kondado na lungsod at tatlong mga kondado. Ang mga distrito ay Nanming, Yunyan, Huaxi, Wudang, Baiyun at Guanshanhu. Ang antas-kondado na lungsod ay Qingzhen at ang mga kondado ay Kaiyang, Xifeng at Xiuwen. Ang Bagong Distrito ng Gui'an, isang hindi pampangasiwaan na proyektong ekonomiko, ay matatagpuan sa timog-kanluran ng Guiyang. Umaabot ito sa mga lugar na nasa hurisdiksiyon ng kalapit na antas-prepektura na lungsod ng Anshun.
Remove ads
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads