Habagat
panahon na nagdadala ng matitinding ulan From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Habagat o Hanging Habagat (South West Monsoon) ay isang mainit at mahalumigmig, malagihay o mamasa-masa na hangin at temperatura ng panahon na nagdadala ng mga matitindi at mabibigat na ulan. Ang hanging habagat ay umiihip na nanggagaling sa timog-kanluran na bahagi ng Asia, ito ay nang gagaling sa mga bansang India, Indonesia, Malaysia, Thailand at Singapore o sa Karagatang Indiyano. Ang habagat ay dumarating simula sa buwan ng Hunyo hanggang sa Setyembre o Oktubre. Ang hanging Habagat ay lumalakas kapag may roong Bagyo sa karagatan bahaging pasipiko sa karagatan ng Pilipinas.
Maaaring mabilis pong magbago ang mga impormasyon habang umuusad po ang pangyayari, at maaari rin pong hindi mapagkakatiwalaan ang mga paunang balita (breaking news). Depende sa aktibidad ng pahinang ito, maaari pong hindi updated ang impormasyong nakalagay rito. Malaya po kayong baguhin ang kahit ano sa Hangin na ito. Pakatandaan lamang po na maaaring matanggal ang mga pagbabagong hindi totoo o walang kaakibat na sanggunian. Maaari rin pong pag-usapan ang mga pagbabago rito sa pahina ng usapan nito. |
Remove ads
Bagyo
Bagyong Ondoy (Ketsana)

Ang bagyong Ondoy ay nagpalubog sa buong Kalakhang Maynila noong ika 26, Setyembre 2009 dahil sa pag apaw nang Ilog Marikina sa Lungsod ng Marikina mahigit libu-libong katao ang inilikas dahil sa pagbaha kasama pa rito ang buong gitnang luzon na lubusang napinsala at ang timoge luzon. Nakapinsala si Bagyong Ondoy at ang Hanging Habagat na aabot sa milyon-milyon ang napinsala sanhi nang pag baha. Dahil sa paghigop ng bagyong ondoy sa habagat ay tuluyang lumakas ang ulan na aabot sa Red Warning Alert o Torrential. Ang pagtaas nang Marikina River ay aabot sa 20.5 Metro ang Taas nang tubig baha.
Agosto 2012 Habagat, Bagyong Haikui
Noong ika 6, Agosto hanggang 8, 2012 ay nagulantang ang buong Kamaynilaan dahil sa pagbaha mabilis na tumaas ang tubig baha sa mga lungsod dahil sa pag apaw nang Ilog Pasig at Ilog Marikina na aabot sa 19.5 Metro ang taas nang tubig na nagpabaha sa mga Lungsod ng Pasig, Lungsod ng Quezon, Lungsod ng Marikina at sa buong Kalakhang Maynila. Mahigit tatlong araw sa buwan nang Agosto ang itinagal na dulot nang patuloy na pag-ulan sa kamaynilaan at sa timog katagalugan at gitnang luzon na nagdulot nang kalawakang pagbaha.
Agosto 2013 Habagat, Bagyong Maring
Ang Bagyong Maring at ang Hanging Habagat ay nag sanib puwersa nang lakas nagdulot ito nang malawakang pagbaha sa gitnang luzon, kamaynilaan at timog luzon dahil rito umapaw ang mga ilog sa Biñan sa Laguna at sa San Pedro damay rin ang Santa Rosa, Laguna kaya nagsikip ang trapiko sa South Luzon Expressway. Naapektuhan din ang North Luzon Expressway sa Meycauayan, Bulacan dahil sa walang tigil ang buhos ng ulan dahil na rin sa pag-apaw ng Ilog Marikina na aabot sa 20.0 metro ang taas ng tubig baha. Nahigitan pa ito nang isang metro nang Agosto 2012 Habagat.
Hulyo 2025, Bagyong Crising, Dante at Emong
Ika Hulyo 2025 nang gulantangin ang Luzon at Kanlurang Kabisayaan dahil sa mga nagdaang Bagyong Crising, Dante at Emong, isinalalim sa state of calamity ang mga lalawigan ng Cavite, Pampanga, Tarlac, Antique, Lungsod ng Cebu, Lungsod ng Quezon at sa bayan ng Umingan, Pangasinan. Itinaas sa ika 2 alarma higit 18 metrong taas ng tubig baha sa Ilog Marikina dahil sa pag-apaw ng Dike ng Wawa sa Rizal. Maging kahabaang Ilog Tullahan na nagsanhi ng pagkasira ng tulay.
Remove ads
Tingnan din
Ang lathalaing ito na tungkol sa Klima ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads