Pampanga
lalawigan ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Pampanga ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Gitnang Luzon. Ang Lungsod ng San Fernando ang kabisera nito. Naghahanggan ang lalawigan ng Pampanga sa mga lalawigan ng Bataan at Zambales sa kanluran, Tarlac at Nueva Ecija sa hilaga, at sa Bulacan sa timog silangan. Matatagpuan din ang ilang bahagi ng lalawigan ng Pampanga sa hilagang baybayin ng Look ng Maynila.
![]() | Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
- Para sa ilog, tingnan ang Ilog Pampanga.
"La Pampanga" ang ipinangalan ng mga Kastila sa mga katutubong kanilang natuklasang naninirahan sa dalampasigan. Nagsilbi rin itong kabisera ng kapuluan nang dalawang taon mula 1762–1764 nang sinakop ng mga Ingles ang Maynila. Ang salitang pampang, kung saan nagmula ang pangalan ng lalawigan, ay nangangahulugang "dalampasigan". Ang pagtatatag nito noong 1571 ang naging dahilan upang maging kauna-unahang lalawigang Kastila sa Pilipinas.
Remove ads
Heograpiya
Pampolitika

Nahahati ang Pampanga sa 19 mga munisipalidad at 2 lungsod. Bagamat kasali ang Lungsod ng Angeles sa probinsya ng Pampanga, hindi siya kabilang sa pamahalaang panlalawigan nito.
Mataas na urbanisadong lungsod
Mga lungsod
Mga bayan
Pisikal
Lupain
May kabuuang 2,180.68 kilometro kwadradong sakop na lupa ang lalawigan. Pangkahalatang patag ang buong lalawigan na may natatanging bundok, ang Bundok Arayat, at ang tanyag na Ilog Pampanga. Sa mga bayan nito, ang bayan ng Porac ang may pinakamalaking sakop na lupa na may 343.12 km kwadrado; Pangalawa ang Candaba at ikatlo ang bayan ng Lubao. Mabibilang na ngayon ang candaba bilang isang tanyag na bayan ng pampanga dahil marami na ang nakakakilala dito sa ngayon
Klima
May dalawang natatanging klima ang lalawigan ng Pampanga, tag-ulan at tag-araw. Kadalasang tag-ulan pagsimula ng Mayo hanggang Oktubre, samantalang tag-araw sa mga nalalabing buwan. Ang pinakamainit na panahon ay tuwing Marso at Abril, samantalang pinakamalamig naman mula Disyembre hanggang Pebrero.
Remove ads
Ekonomiya
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads