Wikang Hawayano

From Wikipedia, the free encyclopedia

Wikang Hawayano
Remove ads

Ang wikang Hawayano[3] (Hawayano: ʻŌlelo Hawaiʻi) ay isang katutubong wikang Awstronesyo (parehong pamilya ng wikang Tagalog) ng mga katutubong tao ng Kapuluan ng Haway at Polinesya. Opisyal na wika itong lengguwahe, kasama ang Ingles, sa Estado ng Haway. Ang wikang Hawayano ay importanteng parte ng Hawayanong kultura, musika, at iba pa, ngunit sa pribadong islang Niʻihau lamang ginagamit ang wikang ito araw-araw. Huwag ilito ang wikang Hawayano sa Kreyol ng Hawaiʻi na hango sa wikang Ingles.

Wikipedia
Wikipedia
Agarang impormasyon Hawayano, Rehiyon ...
Remove ads

Mga Salitang Espiritwal

Ang Hawayano ay espiritwal na lengguwahe, at puno siya ng mga salitang espiritwal. Mga halimbawa ay:[4]

Karagdagang impormasyon salita, ibig sabihin ...
Remove ads

Ponolohiya

Nasa loob nang / / ang ponema sa IPA. Ang grapemo ay nasa loob nang < >.

Katinig

<p k ʻ h l m n w>

/p k ʔ h l m n w/

Ang ʻokina <ʻ> ay espesyal na letra, na sa Unicode ay sa heksadesimal na kodong 02BB. Itong letra ay may tunog ng glotalisasyon /ʔ/, katulad ng gitna ng dalawang <a> sa <saan> sa Tagalog /saˈʔan/.

Ang tunog[5] ng <w>:

  • pagkatapos ng <i> o <e> ay malimit nang /v/;
  • pagkatapos ng <u> o <o> ay malimit nang /w/;
  • sa kaunahan ng salita o pagkatapos ng <a> ay tunog nang /v/ o /w/.

Patinig

<a ā e ē i ī o ō u ū>

/a aː e eː i iː o oː u uː/

May maikli at mahabang bersiyon ng bawat patinig. Ang /a/ ay may mga varyant nang [æ⁓a⁓ɐ⁓ə]. Ang /e/ ay may mga varyant nang [ɛ⁓e/i].

Diptonggo

<ae ai ao au ei eu iu oi ou>

/ae aj ao aw ej ew ju oj ow/

<oe> ay hindi diptonggo, ngunit may tunog nang /owe/.

Akcento

Ang salitang Hawayano ay may isa o higit sa isang parteng salitang may aksentong may patinig [V], o may patinig [V] at katinig [K]:

Karagdagang impormasyon parteng salitang may aksento, halimbawa ...

Ang mga dalubwika at mga espesyal na diksiyonaryo'y gumagamit ng puntong <.> para ihiwalay ang mga parteng salitang may aksento, ngunit sa malimit na baybay ay hindi ginagamit.

May dausdos na katinig bilang /j/ at /w/ sa gitna ng mga patinig sa parteng salita. Halimbawa, ang parteng salitang <huali> ay bigkas nang /huˈwali/; ang parteng salitang <> ay bigkas nang /iˈjaː/.

Mga halimbawa ng mga kompletong salita:

Karagdagang impormasyon salita, bigkas ...
Remove ads

Orden ng Pangungusap

Ang Hawayanong pangungusap ay malimit na may orden nang VSO: Berbo-Sabjek-Objek, katulad sa Tagalog na <Kumakain ang pusa ng isda>.

Aspekto, Tens, Modo

Karagdagang impormasyon salita, ibig sabihin ...

Halimbawa

ʻO ia ke kahuna.
Siya ay ang salamangkero.

He kahuna kē.lā.
Salamangkero iyon.

Ua ʻai ke kanaka i nā kowa.ū.
Kumain ang tao ng mga itlog ng isda.

E ʻai ʻoe i nā kowa.ū.
Kainin mo ang mga itlog ng isda.

ʻAʻole i ʻai ʻoe i ka maiʻa.
Hindi mo kinain ang saging.

Ke hia.moe nei ʻo Pili.
Natutulog si Pili.

ʻAʻole e hia.moe nei ʻo Pili.
Hindi natutulog si Pili.

Tingnan din

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads