Homeostasis

From Wikipedia, the free encyclopedia

Homeostasis
Remove ads

Ang Homeostasis ay isang katangian ng isang sistema sa loob ng isang katawan ng isang nabubuhay na organismo na kung saan ang isang baryabulo, tulad na lamang ng konsentrasyon ng isang sabstans sa isang solusyon, ay aktibong nireregula upang mapanatili itong balanse o konstant. Kasama sa mga halimbawa ng homeostasis ay ang regulasyon ng temperatura ng katawan ng isang hayop, ang pH ng likido sa labas ng selula, o ang konsentrasyon ng ionong sodyo (Na+), potasyon (K+) at kalsiyo (Ca2+) kasama na rin ang glucose sa plasma ng dugo, kahit na may pagbabago sa kalikasan ng hayop, o kung ano ang kinain, o kung ano ang ginagawa (halimbawa, pahinga o pageeksersiyo). Bawat isang baryabulo ay kinokontrol ng hiwalay na “homeostat” (o regulator) upang panatilihin ang buhay. Ang Homeostats ay isang pisyolohikal na mekanismo na kumukunsumo ng enerhiya.

Thumb
Baryasyon ng temperatura ng katawan habang natutulog, na may hanggananng 37.5 °C mula 10 a.m. hanggang 6 p.m., at bumabaksan sa 36.4 °C mula 2 a.m. hanggang 6 a.m.

Inilarawan noong 1865 ang konseptong ito ng isang Pranses na pisyolohista na si Claude Bernard at nagmula ang terminong ito kay Walter Bradford Cannon noong 1926.[1][2]

Ang terminong "cybernetiko" ay nagagamit sa teknolohikal na sistemang pangkontrol tulad na lamang ng thermostat, na kung saan ang tungkulin nito ay bilang isang "homeostats", subalit kadalasan itong malawakang binibigyang kahulugan kaysa sa biyolohikal na terminong "homeostasis".[3][4][5][6][7] Ang "Homeostasis" ay isang nahihiwalay na biyolohikal na termino, na tumutukoy sa mga konseptong inilarawan nina Bernard at Cannon, na tumutukoy sa konstansiya ng panloob na kalikasan (o milieu intérieur) na kung saan ang mga selula ng katawan ay nabubuhay at upang mabuhay.[8][1][2]

Remove ads

Talababa

Malayuang pagbabasa

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads