Homo

henus na kinabibilangan ng mga modernong tao From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang henus na Homo ay binubuo ng modernong tao at mga uring katulad nito. Ang henus na ito ay tinatatayang may mga 2.3 hanggang 2.4 milyong taong gulang,[1][2] nag-evolve ito mula sa mga Australopitikong ninuno sa paglabas ng Homo habilis. Sinasabing ang H. habilis ay direktang nagmula sa Australopithecus garhi na namuhay ng 2.5 milyon taong nakalipas. Subalit noong May 2010 ay natuklasan ang H. gautengensis, isang uri na maaaring mas matanda pa sa H. habilis.[3]

Agarang impormasyon Klasipikasyong pang-agham, Tipo ng espesye ...
Remove ads

Ebolusyon

Bagaman ang ilang mga species ng genus na homo ay maaaring mga ninuno ng homo sapiens(modernong tao), ang marami sa mga ito ay malamang na mga pinsan ng homo sapiens na kapwa humiwalay sa linya na pang-ninuno. Ang henus na Homo ay nag-ebolb mula sa henus na Australopithecus. Ang Australopithecus garhi o Australopithecus sediba[4] ay pinaniniwalaang ang posibleng direktang ninuno ng henus na Homo. Ang paglitaw ng Homo ay tinatayang kasabay ng pagsisimula ng pagyeyelong quartenary. Malawakang pinaniniwalaan ng mga arkeologo at paleontologo na ang mga australopithecus ay gumampan ng isang mahalagang bahagi sa ebolusyon ng tao. Ito ang unang hominin na nagpakita ng presensiya ng isang gene na dinuplikang SRGAP2 na nagsanhi ng isang tumaas na haba at kakayahan ng mga neuron sa utak. [5] Ang homo habilis na nag-ebolb mula sa Australopithecus ay pinaniniwalaang nag-ebolb tungo sa homo ergaster na nagpalitaw sa Homo erectus. Gayunpaman, ito ay pinagtatalunan dahil ang ilang mga natuklasang fossil ay nagmumungkahi na ang H. habilis at H. erectus ay sabay nabuhay.[6] Ito maaaring nagpapakita na ang anumang mga kaugnayang pang ninuno ng H. habilis sa H. erectus ay isang kladohenetiko sa halip na anahenetiko na nangangahulugang kahit ang isang hiwalay na subgrupong populasyon ng H. habilis ay naging karaniwang ninuno ng natitirang henus, ang ibang mga subgrupo ay nanatili bilang hindi nagbagong H. habilis hanggang sa kanilang mas kalaunang ekstinksiyon.[7] Ang homo ergaster ay pinaniniwalaang nag-ebolb mula sa homo habilis sa pagitan ng 1.9 at 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang ilang homo ergaster ay lumipat sa Asya kung saan ang mga ito ay naging homo erectus sa Asya at homo georgicus sa Europa. Ang linya ng ergaster na lumisan sa Aprika at ninuno ng Asyanong homo erectus ay humiwalay mula sa linya ng homo egaster. Ang homo rhodesiensis na nag-ebolb mula sa homo ergaster ay lumipat mula sa Aprika tungo sa Europa at naging homo heidelbergensis. Ang H. heidelbergensis ay nagsanga sa mga species na Neanderthal at Homo sapiens at marahil ay pati sa denisova hominin sa Asya. Ang mga neanderthal ay nag-ebolb mula sa H. heidelbergensis noong mga 300,000 taong nakakalipas sa Europa samantalang ang Homo sapiens(modernong tao) ay hiwalay na nag-ebolb mula sa H.heidelbergensis noong mga 200,000 at 100,000 taong nakakalipas sa Aprika. Noong mga 100,000 taong nakakalipas, ang ilang homo sapiens sapiens ay lumisan sa Aprika tungo sa levant at nakatagpo ang mga Homo neanderthalensis na may ilang mga admixture. [8] Kalaunan noong mga 70,000 taong nakakalipas marahil pagkatapos ng katastropiyang Toba, ang isang maliit na pangkat ay lumisan sa levant at pumuno sa Eurasya, Australya at kalaunan ay sa mga Amerika. Ang isang subgrupo ng mga ito ay nakatagpo ang mga denisovan[9] at pagkatapos ng karagdagang admixture, ay tumira sa Melanesia. Sa scenario na ito, ang mga hindi Aprikanong taong nabubuhay sa kasalukuyan ay halos may pinagmulan sa Aprika. Gayunpaman, may ilang admixture ang mga tao sa mga neanderthal at denisovan na nagebolb ng lokal. Ang resulta ng pag-aaral ng genome ay nagpapakita na noong mga 30,000 taong nakakalipas, ang tatlong mga pangunahing subspecies ng genus na homo ay sabay umiral: ang mga denisovan, ang mga neanderthal at ang mga anatomikal na modernong tao.[10] Ngayon, ang tanging H. sapiens sapiens ang tanging species na natitira ng genus na ito.

Remove ads

Mga species

Karagdagang impormasyon Species, Nabuhay (milyong taong nakakalipas) ...
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads