Hong Kong

Natatanging rehiyong administratibo ng bansang Tsina From Wikipedia, the free encyclopedia

Hong Kongmap
Remove ads

Ang Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong[* 1] ng Republikang Bayan ng Tsina (Ingles: Hong Kong Special Administrative Region of the People's Republic of China; Intsik: 中華人民和國香港特別行政區; Pakinggan), karaniwang tinatawag na Hong Kong (香港), ay isa sa dalawang Special Administrative Region (Natatanging Rehiyong Administratibo) ng Republikang Bayan ng Tsina. Ang isa ay ang Macau. Sumasali ang teritoryong ito sa mga kaganapang pandaigdigan sa ilalim ng pangalang "Hong Kong, Tsina".

Agarang impormasyon Natatanging Rehiyong Administratibo ng Hong Kong香港特別行政區, Wikang opisyal ...
Agarang impormasyon

Ang Hong Kong ay binubuo ng Pulo ng Hong Kong , Kowloon, at ang New Territories. Ang Tangway Kowloon ay nakakabit sa New Territories sa hilaga, at ang New Territories ay nakakabit naman sa Kalupaang Tsina pagtawid ng Ilog Sham Chun (Ilog Shenzhen). Sa kabuuan, ang Hong Kong ay mayroong 236 pulo sa Dagat Luzón, kung saan ang Lantau ang pinakamalaki at ang Pulo ng Hong Kong ang ikalawang pinakamalaki at pinakamatao. Ang Ap Lei Chau naman ang may pinakamataas na densidad ng populasyon.

Remove ads

Kasaysayan

Thumb
Hong Kong mula sa kalawakan

Ang Hong Kong ay sakupbayan ng British crown hanggang 1997, nang ito ay ibinalik sa pamamahala ng Tsina. Sa ilalim ng patakaran na "isang bansa, dalawang sistema" , mayroong kapuna-punang antas na autonomiya ang Hong Kong mula sa Kalupaang Tsina, gayun din ang pagpapatuloy nito ng pagkakaroon ng sariling sistemang legal, pananalapi, customs, awtoridad sa pandarayuhan, at sariling pamamahala sa langsangan, kasama na ang pagmamaneho sa kaliwang bahagi ng kalsada. Ang tanggulang pambansa at ugnayang panlabas ay pinamumunuan ng sentral na gobyerno sa Beijing.

Ang pangalang Hong Kong ay magkasing ponetico ng salitang 'Heung Gong' na ang ibig sabihin ay "mabangong layagang-dagat".

Remove ads

Galeriya

Talababa

  1. Sa ortograpiya noong dekada 1960: Hongkong. Batay sa Panganiban, Jose Villa. (1969). "Hongkong". Concise English-Tagalog Dictionary.

Sanggunian

Mga kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads