Igat

From Wikipedia, the free encyclopedia

Igat
Remove ads

Ang igat ay isang uri ng maitim at maliit na isdang palos. Palos ang karaniwang katawagan sa uri ng malaking igat.[3] Ang mga igat ay mga isdang may mala-sinag na palikpik na kabilang sa orden na Anguilliformes, na binubuo ng walong suborden, 20 pamilya, 164 henera, at humigit-kumulang 1000 espesye.[4][5] Sumailalim ang mga igat sa medyo malaking paglaki mula sa maagang yugto ng larba hanggang sa huling yugto ng pang-adulto at kadalasan na mga mandaragit sila.

Agarang impormasyon Mga igat Temporal na saklaw: Senomaniyano–kasalukuyan, Klasipikasyong pang-agham ...
Thumb
Palos (Malabanos)

Ginagamit din ang katawagang "igat" para sa iba pang ilang hugis-igat na isda, tulad ng mga igat eletriko (electric eels, genus Electrophorus), mga igat sa latian (orden Synbranchiformes), at mga matinik na igat sa kalaliman ng dagat (deep-sea spiny eels, pamilya Notacanthidae). Gayunpaman, ang iba pang klado na ito, maliban sa mga matinik na igat sa kalaliman ng dagat, na nasa orden na Notacanthiformes ay kapatid na klado sa totoong igat, na hiwalay ang kanilang ebolusyon na mala-igat na hugis mula sa mga tunay na igat. Bilang pangunahing tuntunin, nasa dagat ang karamihan sa mga igat. Ang mga eksepsiyon ay ang henerong katadromo na Anguilla at ang tubig-tabang na moray,[6] na gumugugol ng halos lahat ng kanilang buhay sa tubig-tabang, ang anadromong igat sa palayan, na nangingitlog sa tubig-tabang, at ang igat ahas sa tubig-tabang na Stictorhinus.[7]

Remove ads

Paglalarawan

Thumb
Ang konggriyong Europeo ay ang pinakamabigat sa lahat ng igat.

Ang igat ay pinahabang isda, mula 5 cm (2 in) ang haba sa mga igat na may isang panga (Monognathus ahlstromi) hanggang 4 m (13 ft) sa mga payat na higanteng moray.[8] Ang mga nasa hustong gulang ay may timbang mula 30 g (1 oz) hanggang higit sa 25 kg (55 lb). Wala silang mga palikpik na pelbiko, at maraming espesye ang kulang din mga palikpik na pektoral. Pinagsama ang mga palikpik sa likod (dorsal) at puwitan (anal) sa palikpik na kaudal, na bumubuo ng isang laso na nakalagay sa kahabaan ng haba ng hayop. Lumalangoy ang mga igat sa pamamagitan ng paggawa ng mga alon na lumalakbay sa haba ng kanilang mga katawan. Maaari silang lumangoy nang paatras sa pamamagitan ng pagbaligtad sa direksyon ng alon.[9]

Nananirahan ang karamihan sa mga igat sa mababaw na tubig ng karagatan at nakabaon sa buhangin, putik, o sa gitna ng mga bato. Karamihan aktibo sa gabi ang mga espesye ng igat at sa gayon, bihirang makita. Minsan, nakikita silang magkakasamang nakatira sa mga butas o "hukay ng igat". Nabubuhay din ang ilang mga igat sa mas malalim na tubig sa mga kalapagang panlupalop at sa ibabaw ng mga dalisdis na may lalim na 4,000 m (13,000 ft). Ang mga kasapi lamang ng Anguilla ang regular na naninirahan sa sariwang tubig, subalit bumabalik din sa dagat upang magparami.[10]

Ang pinakamabigat na tunay na igat ay ang konggriyong Europeo (Conger conger). Naiulat ang pinakamataas na laki ng espesye na ito na umaabot sa haba ng 3 m (10 ft) at bigat na 110 kg (240 lb).[11] Ang iba pang mga igat ay mas mahaba, subalit hindi tumitimbang ng ganoong bigat, tulad ng payat na higanteng moray, na umaabot sa 4 m (13 ft).

Remove ads

Siklo ng buhay

Nagsisimula ang buhay ng mga igat bilang sapad at aninawing larba, na tinatawag na leptocephali. Umaanod ang larba ng igat sa ibabaw ng tubig ng dagat, kumakain sa niyebeng marina, maliliit na partikula na lumulutang sa tubig. Nagbabagong-anyo (metamorphose) ang larbang igat sa naaninag na igat at nagiging mga munting palos o elver bago tuluyang hanapin ang kanilang mga tirahang pambata at pangmatanda.[8] Nananatili ang ilang mga indibiduwal na mga palos na anguillid sa maalat at dagat na mga lugar na malapit sa mga baybayin,[12] subalit pumapasok karamihan sa kanila sa tubig-tabang kung saan naglalakbay sila sa itaas ng agos at napipilitang umakyat sa mga sagabal, tulad ng mga weir o mababang dam, mga pader ng dam, at natural na mga talon.

Thumb
Ikot ng buhay ng tipikal na igat (na katadromo)

 

Remove ads

Taksonomiya

Ang pinakaunang posil ng igat ay kilala mula sa Huling Kretasiko (Senomanyiano) ng Lebanon. Napanatili ng mga sinaunang igat na ito ang mga katangiang primitibo tulad ng mga palikpik na pelbiko at sa gayon, mukhang hindi malapit na nauugnay sa anumang umiiral na mga takson. Hindi lumitaw sa mga posil ng katawan ng mga modernong igat hanggang noong Eoseno, bagaman ang mga otolito na naitatalaga sa umiiral na mga pamilya ng igat at maging ang ilang henera ay nakita sa Kampaniyano at Maastritstiyano, na nagpapahiwatig ng ilang antas ng pagkakaiba-iba sa mga umiiral na grupo bago ang pagkalipol noong panahong Kretasiko–Paleoheno, na kung saan, sinusuportahan din ng mga pagtatantya ng pagkakaibang pilohenetiko. Ang isa sa mga takson na otolito, ang Pythonichthys arkansasensis na naninirahan sa putik, ay lumilitaw na nabuhay pagkatapos ng pagkalipol noong panahong Kretasiko–Paleoheno, batay sa dami nito.[13][14][15]

Ang umiiral na mga takson

Ang taksonomiya batay sa Nelson, Grande at Wilson noong 2016.[16]

  • Suborden Protanguilloidei
    • Pamilya Protanguillidae
  • Suborden Synaphobranchoidei
    • Pamilya Synaphobranchidae (igat na cutthroat e) [kabilang ang Dysommidae, Nettodaridae, at Simenchelyidae]
  • Suborden na Muraenoidei
    • Pamilya Heterenchelyidae (mga igat sa putik)
    • Pamilya Myrocongridae (manipis na mga igat)
    • Pamilya Muraenidae (mga igat na moray)
  • Suborden Chlopsoidei
    • Pamilya Chlopsidae (huwad na mga moray)
  • Suborden Congroidei
    • Pamilya Colocongridae (igat na may ulong parang palaka, mga igat na maikli ang buntot)
    • Pamilya Congridae (mga konggriyo) [kabilang ang Macrocephenchelyidae]
      • Subpamilya Heterocongrinae (mga igat sa hardin)
    • Pamilya Derichthyidae (mga igat na mahaba ang leeg) [kabilang ang Nessorhamphidae]
    • Pamilya Muraenesocidae (konggriyong patulis)
    • Pamilya Nettastomatidae (mga igat na na may parang tuka ng itik)
    • Pamilya Ophichthidae (mga igat na malaahas)
  • Suborden Moringuoidei
    • Pamilya Moringuidae (mga igat na mala-spaghetti)
  • Suborden Saccopharyngoidei
    • Pamilya Eurypharyngidae (mga igat na pelikano, mga gulper na may bungangang parang payong)
    • Pamilya Saccopharyngidae
    • Pamilya Monognathidae (mga gulper na isang bagang)
    • Pamilya Cyematidae (mga igat na bobtail snipe)
  • Suborden Anguilloidei
    • Pamilya Anguillidae (mga igat na tubig-tabang)
    • Pamilya Nemichthyidae (mga igat na snipe)
    • Pamilya Serrivomeridae (mga igat na may ngipin na parang lagari)

Piloheniya

Ang Piloheniya batay kay Johnson et al. 2012.

Anguilliformes
Protanguilloidei

Protanguillidae

Synaphobranchoidei

Synaphobranchidae

Muraenoidei

Heterenchelyidae

Myrocongridae

Muraenidae

Chlopsoidei

Chlopsidae

Congroidei

Derichthyidae

Nettastomatidae

Congridae

Ophichthidae

Muraenesocidae

Moringuoidei

Moringuidae

Saccopharyngoidei

Eurypharyngidae

Saccopharyngidae

Monognathidae

Cyematidae

Anguilloidei

Nemichthyidae

Serrivomeridae

Anguillidae

Mga takson na lipol na

Thumb
Ang Anguillavus, isa sa mga pinakaunang kilalang eel mula sa Apog ng Sannine

Batay sa Paleobiology Database:[17][18]

  • Henero † Abisaadia
  • Henero † Bolcanguilla
  • Henero † Eomuraena
  • Henero † Eomyrophis
  • Henero † Gazolapodus
  • Henero † Hayenchelys
  • Henero † Luenchelys
  • Henero † Mastygocercus
  • Henero † Micromyrus
  • Henero † Mylomyrus
  • Henero † Palaeomyrus
  • Henero † Parechelus
  • Henero † Proserrivomer
  • Pamilya † Anguillavide
  • Pamilya † Anguilloididae
  • Pamilya † Libanechelyidae
  • Pamilya † Milananguillidae
  • Pamilya † Paranguillidae
  • Pamilya † Patavichthyidae
  • Pamilya † Proteomyridae
  • Pamilya † Urenchelyidae
Remove ads

Mga espesyeng pangkomersyo

Karagdagang impormasyon Pangunahing espesyeng pangkomersyo, Karinawang pangalan ...
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads