Ilog Yangtze
pinakamahabang ilog sa Asya From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Yangtze, Yangzi o Cháng Jiāng ( /ˈjæŋtsi/ o /ˈjɑːŋtsi/; [jɑ̌ŋtsɯ́]) ay ang pinakamahabang ilog sa Tsina at sa Asya. Ito rin ay ang ikatlong pinakamahabang ilog sa buong mundo.[6][7] May haba itong 3,915 milya o 6,300 kilometro.[7]
Tinatawag ng mga Tsino ang ilog na ito sa mga katawagang Chang Jiang (Inggles: Long River) o Da Jiang (Inggles: Great River) o Jiang (Inggles: River). Ang mga taga-Kanluran ang nagbansag sa ilog na ito ng Yangtze na galing sa pangalan ng Yang na isang sinaunang kaparian (Inggles: fiefdom).[7]
Ang Ilog Yangtze ay ang pangunahing daluyan ng tubig at ang pinakamahalagang ilog sa Tsina.[7]
Remove ads
Komunidad
Matatagpuan ang mga siyudad ng Chengdu, Chongqing, Wuhan, Nanjing, at Shanghai sa mga kapatagan na nakadugtong sa mga pampang ng Ilog Yangtze at mga sanga nito sa basin. Mahigit na 400 milyong tao ang nakatira sa lugar ng Ilog Yangtze. Ang mga grupong katutubo ng Tsina na katulad ng Tibetan, Zhuang, at Qiang ay dito rin gumawa ng kanilang mga tahanan.[8]
Mga buhay sa ilog at gubat
Sa Ilog Yangtze at sa basin nito namumuhay ang tatlong daan at limampung uri (150) ng mga isda, isang daan at apatnapu at lima (145) na iba't ibang amphibia, isang daan at animnapu at anim (166) na mga reptilya, pitong daan at animnapu at dalawa (762) na uri ng mga ibon, dalawang daan at walumpu (280) na mga mamalya kung saan nabibilang ang higanteng panda na dito lamang matatagpuan at mahigit sa labing apat na libong (14,000) iba't ibang halaman.[6][8] Pinaniniwalaang nalipol na ang dolphin na naninirahan sa Ilog Yangtze dahil hindi na ito nakita simula noong 2002.[6]
Remove ads
Prinsa
Simula 1950 ay mayroon nang mahigit sa 50,000 na mga prinsa ang naitayo sa Ilog Yangtze.[6]
Isa sa mga dam na ito ay ang Prinsa ng Tatlong Bangin (Inggles: Three Gorges Dam) na simula 2012 ay kinikilala bilang pinakamalaking dam na hydroelectric sa mundo.[9] Bahagya o tuluyang lumubog ang labing tatlo na malalaking siyudad, isangdaan at apatnapu na mga bayan at tatlong daan at dalawampu't anim na mga nayon habang ginagawa ang dam na ito.[6] Mahigit isang milyong mga tao ang kailangang lumipat noong itinayo ang dam sa ito.[6]
Mga sanggunian
Karagdagang babasahin
Mga link na panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads