Interlingua

From Wikipedia, the free encyclopedia

Interlingua
Remove ads

Ang Interlingua[1] ay isang wikang guni-guni sa Oksidenteng dinebelop ng International Auxiliary Language Association o IALA mula noong 1937 hanggang 1951. Ang intensiyon ay gamitin ngayon itong wika para sa internasyonal na komunikasyon. Ang inspirasyon ay mga wikang Latino. Ang Interlingua ay isang wikang artipisyal na naturalistiko. Ang mga primaryong wikang pangkontrol sa bokabularyo ay Ingles, Pranses, Italyano, Kastila, at Portuges, at ang mga sekundaryo ay Aleman at Ruso. May mga salita ring galing sa labas ng mga itong wika bilang geisha ng Hapon, sauna ng Pinlandes, at min- (tao) ng Tsino. Ang Interlingua ay artipisyal na wikang a posteriori kung tawagin dahil hinango ang gramatika at bokabularyo galing sa ilang umiiral na lengguwahe.

Ang pangalang Interlingua ay galing sa Lating inter—gitna—at lingua—dila o wika.

Ayon sa mga literatura ng Interlingua, ang Interlingua, lalo na sa sulat, ay maiintindihan ng ilang daang milyong tagasalita ng mga wikang Romanse. "Klasiko" ang ispeling sa Interlingua, kaya ang ispeling ng Pilipinas sa Interlingua ay Philippinas na sa Kastila ay Filipinas nga. May maraming kahinlog na mga salitang internasyonal na siyentipiko bilang cycloide, cyanometro, at maraming-maraming iba pa.

Remove ads

Alpabeto at Ponolohiya

Karagdagang impormasyon Numero ...

Ang c ay binibigkas na /t͡s/ (o kaya /s/) bago ng e, i, y. Ang ch ay binibigkas na /ʃ/ sa mga salitang galing sa Pranses bilang chef = /ʃef/ na ang ibig sabihin ay hepe or chef, ay /k/ sa mga salitang galing sa Griyego o Italyano bilang choro = /ˈko.ro/ na ang ibig sabihin ay chorus, at kung minsan ay /t͡ʃ/ sa mga salitang galing sa Ingles o Kastila bilang Chile /ˈt͡ʃi.le/ (ang bansang Chile). Ang ti bilang sa emotion ay puwedeng bigkasing /tsj/ o /sj/ (tsy o sy). Ang gi bilang sa avantagiose ay binibigkas nang /ʒ/. Ang hulaping -age bilang sa avantage ay binibigkas nang /aʒe/. Bukod nitong mga paggamit ng g, ang g ay binibigkas nang /g/, ngunit malabo ang paano bigkasin bago ng e, i, y, kung baga /g/ o /ʒ/, bilang sa gemino o angelic. Sa gitna ng mga patinig, ang s ay puwedeng bigkasing /s/ o /z/, ngunit ang ss (dobleng s) ay parating binibigkas nang /s/. Ang qu ay puwedeng /kw/ o /k/. Ang mga dobleng letra ay binibigkas na mag-isa lamang bilang belle /ˈbe.le/ at urbetto /ur.ˈbe.to/. Ang h nang sarili sa salita ay puwedeng may tunog o silente, pero sa rh at th (/r/ at /t/), silente ang h. Ang ph ay /f/.[2]

Ang normal na aksento ay sa patinig na bago ng huling katinig. Iniindika sa diksiyonaryo kung minsan ang aksento ng salita kung iba. Hindi eksaherado ang importansiya ng aksento sa Interlingua. Ang salitang katulad ng kilometro ay puwedeng iaksento sa ikalawa o ikatlong silaba. May toleransiya sa iba-ibang aksento ng mga tagasalita. Alam na may impluwensiya ang katutubong wika ng mga tagasalita. Sa mga salitang walang katinig o mga salitang walang patinig bago ng huling katinig, ang aksento ay sa pauna: io, via, crea, at iba pa. Sa mga pandiwang hinaharap na panahunan, ang aksento ay sa huling silaba: creara, videra, audira, at iba pa.

Remove ads

Halimbawa

Karagdagang impormasyon Tagalog ...
Karagdagang impormasyon Esperanto, Kastila ...
Karagdagang impormasyon Tagalog ...
Wikipedia
Wikipedia
Edisyon ng Wikipedia sa Interlingua
Karagdagang impormasyon ISO 639-1, ISO 639-2 ...
Remove ads

Kawingan

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads