Pandaigdigang Hukumang Pangkrimen
organisasyong intergobermental at pandaigdigang tribunal From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Pandaigdigang Hukumang Pangkrimen (Ingles: International Criminal Court o ICC) ay isang organisasyong intergobermental at pandaigdigang tribunal na nakabase sa Haya, Olanda. Ito ang kauna-unahan at natatanging permanenteng pandaigdigang hukuman na may hurisdiksyon na litisin ang mga indibidwal para sa mga pandaigdigang krimen, kabilang dito ang henosidyo, mga krimen laban sa sangkatauhan, mga krimen sa digmaan, at ang krimen ng pagsalakay. Iba ang ICC sa Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan, isang organo ng Nagkakaisang Bansa na namamagitan sa mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga estado. Itinatag noong 2002 alinsunod sa multilateral na Estatuto ng Roma, ang ICC ay itinuturing ng mga tagapagtaguyod nito bilang isang malaking hakbang patungo sa hustisya,[2] at isang makabagong inobasyon sa pandaigdigang batas at karapatang pantao.[3]
Nakatanggap ang Hukuman sa ilang mga batikos. Tumanggi ang ilang pamahalaan na kilalanin ang hurisdiksyon ng Hukuman, habang inakusahan naman ito ng ilang grupong sibil ng pagkiling, Eurosentrismo at rasismo.[4] Kinuwestiyon din ng ilan ang bisa ng Hukuman bilang paraan ng pagtataguyod ng internasyonal na batas.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads
