JSTOR
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang JSTOR (daglat ng Journal Storage; maaaring isalin bilang "Imbakan ng Dyornal")[2] ay isang aklatang dihital ng mga akademikong dyornal, aklat, at pangunahing sanggunian na itinatag noong 1994. Orihinal itong naglalaman ng mga nadihitalisang naunang isyu ng mga akademikong dyornal, ngunit sa kasalukuyan ay sumasaklaw na rin sa mga aklat at iba pang pangunahing sanggunian pati na rin ang mga kasalukuyang isyu ng dyornal sa mga humanidades at araling panlipunan. Nagbibigay ito ng kakayahang magsagawa ng buong-tekstong paghahanap sa halos 2,000 dyornal. Karamihan sa pag-akses nito ay sa pamamagitan ng suskripsiyon ngunit ang ilang bahagi ng site ay nasa pampublikong dominyo, at ang bukas-akses na nilalaman ay magagamit nang walang bayad.[3] Ang JSTOR ay bahagi ng Ithaka Harbors, Inc., isang di-kumitikang institusyong Amerikano na naglalaan ng aklatang dihital at mga kasangkapan sa pag-aaral para sa akademya.[4]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads