Jane Russell

From Wikipedia, the free encyclopedia

Jane Russell
Remove ads

Si Ernestine Jane Geraldine Russell (21 Hunyo 1921  28 Pebrero 2011)[2] ay isang Estados Unidos na dating artistang pampelikula at isa sa naging pangunahing simbolo ng seksuwalidad ng Hollywood noong mga dekada ng 1940 at ng 1950.

Agarang impormasyon Kapanganakan, Kamatayan ...

Lumipat si Russell mula sa gitnang kanluran papunta sa California, kung saan niya nakuha ang kanyang unang gampanin pampelikula noong 1943 sa pelikulang The Outlaw. Noong 1947, pinasok ni Russell ang larangan ng musika bago nagbalik sa larangan ng pelikula. Pagkalipas na maging bituing artista para sa maraming mga pelikula noong dekada ng 1950, muling nagbalik sa Russell sa larangan ng musika habang nagbubuo ng ilan pang ibang mga pelikula noong dekada ng 1960. Naging bida siya mahigit sa 20 mga pelikula sa panahon ng kanyang karera.

Si Russell ay nagkaroon ng tatlong kasal at nag-ampon ng tatlong anak. Noong 1955, inilunsad niya ang World Adoption International Fund. Dahil sa kanyang mga nagawa sa pelikula, nakatanggap si Russell ng ilang mga papuri kabilang na ang pagkakalagay upang mapanatiling-buhay ang mga bakas ng kanyang mga kamay at mga paa sa unahan o harapan ng patyo ng Teatrong Intsik ni Grauman at ng isang bituin sa Lakaran ng Katanyagan sa Hollywood. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[3]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads