Jang Ja-yeon

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Si Jang Ja-yeon (Koreano: 장자연; 25 Enero 1980 – 7 Marso 2009) ay isang artista sa Timog Korea. Ipinanganak siya sa Seongnam, Lalawigan ng Gyeonggi, Timog Korea. Unang siyang lumabas sa industriya ng paglilibang noong 2006 sa isang patalastas sa telebisyon. Kilala siya sa paglabas sa Koreanovela ng KBS na Boys Over Flowers bilang si Sunny, isa sa mga kontrabida ng serye.

Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Jang.
Agarang impormasyon Kapanganakan, Kamatayan ...
Agarang impormasyon Hangul, Hanja ...

Nang namatay siya sa gulang na 29, lumalabas siya sa Boys Over Flowers. Nagkaroon siya ng depresyon, at sang-ayon sa imbestigasyon ng pulis, nagpakamatay siya. Nagkaroon ng pambansang iskandalo ang kanyang pagkamatay nang may nagpahayag na siya ay sekswal at pisikal na inabuso ng ilang mga kilalang ehekutibo sa paglilibang sa loob ng panahon ng kanyang karera, at diumano ay dumagdag ang pang-aabuso sa kanyang depresyon.[1][2][3][4]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads