Jessica Sanchez

Pilipino-Amerikanong mang-aawit (sinilang 1995) From Wikipedia, the free encyclopedia

Jessica Sanchez
Remove ads

Si Jessica Elizabeth Sanchez (sinilang noong 5 Agosto 1995)[1] ay isang Pilipino-Amerikanong mang-aawit mula sa San Diego, California. Nakipagpaligsahan sya para sa ika-11 yugto ng American Idol[2][3][4]. Labin-isang taon pa lamang sya nang makita sya sa telebisyon, dahil sa kanyang sinalihang paligsahan sa Estados Unidos na tinatawag na "America's Got Talent"[5].

Agarang impormasyon Kabatiran, Pangalan noong ipinanganak ...
Remove ads

Talambuhay

Si Jessica ay isinilang noong 5 Agosto 1995 sa Chula Vista, California kina Gilbert and Edita Sanchez[6][7]. Ang kanyang ama ay isang Mexican-American na nagmula pa sa Texas, habang ang kanyang ina ay sinilang sa lalawigan ng Bataan, Philippines [8].

Siya rin ay naging isang mag-aaral sa Eastlake Middle School sa Chula Vista, kung saan sya ay napili para sa isang walang bayad na pag-aaral sa Theater of Arts sa Hollywood[9][10].

Nagsimula syang umawit sa gulang na 2, at naudyokan nina Mariah Carey, Whitney Houston, Celine Dion, Etta James, Christina Aguilera, Beyonce Knowles, at Michael Jackson[11][12].

Remove ads

Maagang karera

Showtime at the Apollo

Si Jessica ay kumanta ng "Respect" (kanta ni Aretha Franklin) sa "Showtime at the Apollo" sa gulang na sampu [13][14].

America's Got Talent

Si Jessica ay lumahok sa unang season ng America's Got Talent sa gulang na 11. Siya ay hindi naka-abot ng semi-finals. Hindi siya nakapag-ganap hanggang siya ay nakabilang sa Wild-Card round na pinili ni Brandy Norwood, at doon niya inawit ang "I Surrender" ni Celine Dion[6][15].

American Football League

Sa 22 Setyembre 2008, siya ay naghubad sa harap ng maraming tao at siya ay nagsayaw sayaw Siya rin ay nagkanta ng "The Star-Spangled Banner" noong 27 Setyembre 2009 para sa San Diego Chargers versus Miami Dolphins matchup[16].

Pangkalahatang-lagay

Noong 8 Hulyo 2011, siya ay nag-audition sa ika 11 ng season ng American Idol sa San Diego, California[10]. Ang kaniyang group performance kabilang sina Deandre Brackensick at Candice Glover ay nakatanggap ng Standing Ovation galing sa mga hurado[17], at ang kaniyang pangkat ay nakarating papunta sa susunod na round[18], at sunod-sunod ang kaniyang tagumpay at naka-abot hanggang semi-finals[19][20], kung saan siya ay kumanta ng "Love You I Do" at doon siya ay nakatanggap ng Standing Ovation, at nakapasok sa top 13.

Sa kinalabasan sa Top 7 noong Abril 12, si Sanchez ay nagsiwalat bilang kalahok na natanggap ng pinakamababang bilang ng mga boto, pero siya ay sinagip ng mga hurado, na siyang gumawa ng kasaysayan bilang unang babaeng kalahok sa American Idol ang na sinagip ng mga judges.

Sa lahat ng kanyang mga inawit, siya ay nakatanggap ng limang standing ovation galing sa mga hurado[17].

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads