Kalibo
bayan ng Pilipinas at kabisera ng lalawigan ng Aklan From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Kalibo ay isang unang klase ng munisipalidad na nasa lalawigan ng Aklan sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa hilaga-kanlurang bahagi ng Panay. Ito ang nagsisilbing kabisera ng Aklan. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 93,218 sa may 20,993 na kabahayan. Ang Lungsod ng Roxas sa Capiz at ang Lungsod ng Iloilo sa Lalawigan ng Iloilo ang dalawang pinakamalapit na lungsod dito. Nararating ang mga ito sa pamamagitan ng bus o dyip.
Kilala ang Kalibo dahil sa pista ng Ati-atihan. Daanan din ito patungo sa Boracay, na 45 minuto lang ang layo galing sa daungan sa Caticlan. Nagsisilbi rin itong sentro ng edukasyon, kalusugan at komersyo ng lalawigan..
Nagmula ang "Kalibo" sa salitang "sangka libo" na ibig sabihin ay "isang libo" sa wikang Aklanon. Ayon sa alamat, ito ang bilang ng mga katutubong Ati (o Aeta) na sumama sa kauna-unahang misa sa lalawigan, kung saan nagmula rin ang pista ng Ati-atihan.
Maaaring mapuntahan ang Kalibo gamit ang mga eroplanong mula sa Maynila. Mapupuntahan din ito mula sa mga daungan ng Dumagit o New Washington. Traysikel ang karaniwang sasakyan sa bayan.
Remove ads
Mga barangay
Nahahati ang Kalibo sa 16 na barangay.
- Andagao
- Bachao Norte
- Bachao Sur
- Briones
- Buswang New
- Buswang Old
- Caano
- Estancia
- Linabuan Norte
- Mabilo
- Mobo
- Nalook
- Poblacion
- Pook
- Tigayon
- Tinigao
Demograpiko
Media
TV
- ABS CBN: TV 9
- GMA Kalibo: TV 2
- S+A: TV 23
- ACQ-Kingdom Broadcasting Network: Channel 37
- IBC DYRG TeleRadyo: Channel 4
- DYIN TeleRadyo 5
- RMN DYKR TeleRadyo 7
Radyo
AM
- DZRH 693
- DYIN Bombo Radyo 1107
- RMN DYKR 1161
- IBC DYRG Radyo Budyong 1251
FM
- 89.3 Brigada News FM
- Barangay RU 92.9 Super Radyo
- 98.5 Radyo Natin
- 100.1 Love Radio
- 107.1 Energy FM
Mga sanggunian
Mga kawing palabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads