Kaliningrad Oblast
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Oblast ng Kalininggrado (bigkas: OB-last; Ruso: Калинингра́дская о́бласть, Kaliningradskaya oblast; Ingles: Kaliningrad Oblast) ay isang kasaping federal ng Rusya (isang oblast) na matatagpuan sa baybay ng Dagat Baltiko. Ito ay may populasyon na 955,281[11] (taong 2002).
Ang oblast na ito ay nagsisilbing pinakakanluraning bahagi ng Pederasyong Ruso, ngunit wala itong kaugnayang panlupa sa ibang mga bahagi ng Rusya. Ito ay napapaligiran ng Litwanya, Polonya at ng Dagat Baltiko. Ang paglalabay na direkto patungong Rusya ay magagawa lamang sa pamamagitan ng barko o eroplano. Ang pampolitikang pakakahiwalay nito ay lalong lumala nang ang Litwanya at Polonya ay naging mga kasapin ng Unyong Europeo at NATO, at nang sinalihan ng mga ito ang Sonang Schengen, kaya ang oblast na ito ay napapaligiran ngayong ng mga nasabing organisasyon.
Ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng oblast na ito ay ang Kalininggrado (dating kilala bilang Königsberg).
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads