Kaloriya

yunit ng enerhiya na ginagamit sa nurtisyon From Wikipedia, the free encyclopedia

Kaloriya
Remove ads

Ang kaloriya ay isang yunit ng enerhiya na nagmula sa teoryang kaloriko ng init.[1][2] Tumutukoy ang malaking kaloriya, kaloriyang pandiyeta, o kilong kaloriya sa antas ng init na kailangan upang pataasin ang temperatura ng isang litro ng tubig ng isang degri Celsius (o isang kelvin).[1][3] Tumutukoy ang maliit na kaloriya o gramong kaloriya sa antas ng init na kailangan upang maging sanhi ng gayunding pagpataas sa isang mililitro ng tubig. Kaya, katumbas ng 1 malaking kaloriya ang 1000 maliit na kaloriya.[3][4][5][1]

Thumb
Isang 24 US fluid ounce (710 ml) na inuming pampalakas na may 330 malaking kaloriya
Agarang impormasyon

Sa nutrisyon at agham ng pagkain, maaaring tumukoy ang salitang kaloriya at simbolong cal sa malaking yunit o maliit na yunit sa mga iba't ibang rehiyon ng mundo. Karaniwang ginagamit ito sa mga publikasyon at mga etiketa ng pakete upang ipahayag ang halaga ng enerhiya ng mga pagkain sa bawat serbing o sa bawat timbang, inirerekomendang pagkonsumo ng kaloriyang pandiyeta,[6][7] antas ng metabolismo, atbp.

Remove ads

Paggamit

Enerhiya ng pagkain

Pinakakaraniwan ang paggamit ng yunit sa pagpapahayag ng enerhiya ng pagkain, alalaong baga ang tiyak na enerhiya (enerhiya sa bawat masa) sa pagmemetabolisa ng mga iba't ibang pagkain. Halimbawa, naglalaman ang taba (lipidong trigliserido) ng 9 kilokaloriya kada gramo (kcal/g), habang halos 4 kcal/g ang nilalaman ng mga karbohidrata (sugar and starch) at protina.[8] 7 kcal/g ang nilalaman ng alkohol sa pagkain.[9] Ginagamit din ang "malaking" yunit sa pagpapahiwatig ng inirerekomendang pagkonsumo ng sustansiya, gaya ng sa "kaloriya kada araw".

Ang pagdidiyeta ay pagkokonsumo ng pagkain sa kontroladong paraan upang mabawasan, mapanatili, o tumaas ang timbang ng katawan, o para maiwasan at lunasan ang mga sakit tulad ng diabetes at katabaan. Dahil nakadepende ang pagbabawas ng timbang sa pagbabawas ng pagkonsumo ng kaloriya, napatunayang epektibo, sa karaniwan, ang iba't ibang uri ng diyeta na bawas-kaloriya.[10]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads