Taba

From Wikipedia, the free encyclopedia

Taba
Remove ads

Sa nutrisyon, biyolohiya, at kimika, tumutukoy ang taba sa anumang ester ng asidong magrasa, o anumang halo ng naturang kompuwesto, karaniwan ang mga matatagpuan sa maybuhay o sa pagkain.[1]

Thumb
Uliraning pagkakatawan ng molekula ng tipikal na trigliserido, ang pangunahing uri ng taba. Pansinin ang tatlong kadena ng asidong magrasa na nakakabit sa bahaging gliserol sa gitna ng molekula.

Partikular na tumutukoy ang salita sa mga trigliserido (tatluhing ester ng gliserol) na pangunahing sangkap ng langis sa mga halaman at tisyung magrasa sa mga hayop;[2] o, mas tiyak pa, sa mga trigliserido na solido o semisolido sa temperatura ng silid, kaya hindi kasama ang langis.

Ang taba ay isa sa mga tatlong pangunahing pangkat ng makrosustansiya sa diyetang pantao, kasama ng karbohidrata at protina,[1][3] at pangunahing sangkap ng mga karaniwang produktong pagkain gaya ng gatas, mantikilya at mantika. Isa itong pangunahin at saganang mapagkukunan ng enerhiya para sa maraming hayop at may mahalagang papel sa mga istraktura at metabolismo ng karamihan ng maybuhay, kabilang dito ang pag-iimbak ng enerhiya, pagkokontra-tubig, at insulasyong termal.[4] Nakakagawa ang katawan ng tao ng kinakailangang taba mula sa ibang pagkain, maliban sa iilang mahahalagang asidong grasa na dapat isama sa diyeta. Tagapagdala rin ang mga tabang pandiyeta ng ilang sangkap na nagbibigay-lasa at amoy at ng mga bitamina na hindi natutunaw sa tubig.[2]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads