Kanlurang Kabisayaan
rehiyon ng Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Kanlurang Kabisayaan (Ingles: Western Visayas), ay isa sa mga rehiyon ng Pilipinas, at tinalaga bilang Rehiyon VI. Binubuo ito ng anim na lalawigan: Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo at ng 3 na mga lungsod. Ang Lungsod ng Iloilo ang sentrong pangrehiyon.[1]

Rehiyon VI | |
![]() | |
Sentro ng rehiyon | Lungsod ng Iloilo |
Populasyon
– Densidad |
4,730,771 {{{density_km2}}} bawat km² |
Lawak | 12,750.63 km² |
Dibisyon – Lalawigan |
5 3 98 3,209 10 |
Wika | Hiligaynon, Kinaray-a, Aklanon |
Remove ads
Kasaysayan
Ang rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan ay nabuo mula sa lalawigan ng Aklan, Antique, Iloilo (kasama ang noon ay bahaging lalawigan na Guimaras), at Negros Occidental sa pamamagitan ng Kautusang Pampangulo Bilang 1 bilang bahagi ng Integrated Reorganisation Plan ni Pangulong Ferdinand Marcos
Ang lalawigan ng Palawan ay inilipat sa Rehiyon VI (Kanlurang Kabisayaan) noong Mayo 23, 2005 ayon sa EO 429.[2] Inihayag noong Hunyo 2005 ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang pagsasakumpleto ng paglipat.[3] Subalit binatikos ng mga Palaweños ang paglipat, sinasabing may kakulangan sa konsultasyon, at karamihan ng mga residente ng Lungsod ng Puerto Princesa at ang lahat ng mga bayan nito maliban sa isa, ay nais na manatili sa Rehiyon IV-B. Dahil doon, nagkaroon ng Kautusang Administratibo Bilang 129 na inilabas noong Agosto 19, 2005 upang tugunan ang kaguluhan. Ang kautusan ito ang nagpapaliban sa EO 429.[4] Kaya, ang Palawan ay kasalukuyang pa ring bahagi ng Rehiyon IV-B.
Noong ika-29 ng Mayo, 2015, inihiwalay ang lalawigan ng Negros Occidental mula sa Kanlurang Bisayas at inilipat ito sa kakabuong Rehiyon ng Isla ng Negros sa pamamagitan ng EO blg. 183, s. 2015 na nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino.[5]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads