Karl Adolph von Basedow

From Wikipedia, the free encyclopedia

Karl Adolph von Basedow
Remove ads

Si Karl Adolph von Basedow o Carl von Basedow (Marso 28, 1799Abril 11, 1854) ay isang Alemang manggagamot na kilala dahil sa pag-uulat ng mga tanda o sintomas na tinawag bilang karamdamang Graves-Basedow, na pangkasalukuyang teknikal na kinikilala bilang eksoptalmikong buklaw.[1]

Thumb
Si Karl Adolph von Basedow.

Talambuhay

Ipinanganak si Basedow sa Dessau, Alemanya. Nagtapos siya mula Pamantasan ng Halle. Nagsimula siya bilang isang manggagamot na panlahat noong 1822. Maaga siyang nag-asawa at naging punong opisyal na manggagamot ng bayan, isang katungkulang ginampanan niya sa kabuoan ng kanyang buhay. Noong 1840, iniulat niya ang mga kalagayang kilala ngayon bilang karamdamang Graves-Basedow. Namatay siya sa Merseburg noong 1854 makaraang mahawa ng lagnat na may batik mula sa isang bangkay na kanyang hinihiwa at pinag-aaralan.[1]

Remove ads

Gawaing medikal

Mayroon tatlong eponimong mga kundisyong pangpanggagamot: ang koma ni Basedow, isang tayreotoksikong koma; ang unilateral na retraksyon ng pang-itaas na talukap ng mata sa sindroma ni Basedow; at ang karamdamang Graves-Basedow, isang sakit na may katangiang tinatawag na "santatlo ni Merseburger" (Merseburger triad): ang hipertiroydismo, bosyo, at eksoptalmos. Iminungkahi ni George Hirsh ang katawagang "Karamdamang Basedow" sa loob ng kanyang sulating Klinische Fragmente.[1]

Remove ads

Sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads