Karpa

From Wikipedia, the free encyclopedia

Karpa
Remove ads

Ang katawagang karpa (Ingles: carp) ay isang panlahat na karaniwang pangalan para sa maraming espesye ng isdang tabang mula sa pamilya Cyprinidae, isang napakalaking klado ng isdang na may malasinag na palikpik na karamihan na katutubo sa Eurasya. Habang ang karpa ay pinahahalagahan na pantropeong isda at pinahahalagahan (kahit na komersyal na nilinang) bilang parehong pagkain at isdang pampalamuti sa maraming bahagi ng Lumang Daigdig,[1] itinuturing ang mga ito na mga basurang isda at mga pesteng nagsasalakay sa maraming bahagi ng Aprika, Australya at karamihan sa Estados Unidos.[2][3]

Thumb
Isang paglalarawan noong 1913 ng Cyprinus carpio, na mas kilala bilang ang karaniwang karpa
Thumb
Mga karaniwang karpa sa Lawa ng Minnetonka, Minnesota
Remove ads

Biyolohiya

Ang cypriniformes (pamilya Cyprinidae) ay tradisyunal na nakagrupo sa Characiformes, Siluriformes, at Gymnotiformes upang lumikha ng superorden na Ostariophysi, dahil ang mga pangkat na ito ay nagbabahagi ng ilang karaniwang katangian. Kabilang sa mga tampok na ito ang pamamalagi ng nakararami sa sariwang tubig at pagkakaroon ng mga aparatong Weberiyano, isang anatomikong istraktura na nagmula sa unang limang pinaka-anteryor na bertebra, at ang kanilang mga katumbas na mga tadyang at nyural na gulugod.

Thumb
Kalansay ng Cyprinus carpio

Ang pangatlong pinaka-anteryor na pares ng mga tadyang ay nakakabit sa extensyon ng labirintong mabuto at ang posteryor sa pantog panglangoy o swim bladder. Ang gamit ay hindi gaanong nauunawaan, subalit ang istrakturang ito ay ipinapalagay na nakikibahagi sa paghahatid ng mga panginginig mula sa pantog panglangoy o swim bladder patungo sa labirinto at sa pang-unawa ng tunog, na magpapaliwanag kung bakit ang Ostariophysi ay may napakahusay na kapasidad para sa pandinig.

Remove ads

Mga espesye

Karagdagang impormasyon Ilang prominenteng karpa sa pamilyang Cyprinidae, Karaniwang pangalan ...
Remove ads

Bilang isdang pampalamuti

Thumb
Ang Cyprinus rubrofuscus (karpang Amur) ay pinaamo at pinarami sa bansang Hapon mula noong unang bahagi ng ika-19 na dantaon para sa mga layuning pampalamuti sa kanilang anyong koi

Ang karpa, kasama ang marami sa kanilang mga kamag-anak na cyprinid, ay sikat na isdang pampalumuti sa akwaryum at tubigan.

Ang mga pampalamuting goldfish o lali ay orihinal na pinaamo mula sa kanilang ligaw na anyo, isang madilim na kulay-abong-kayumangging karpa na katutubo sa Asya, subalit maaaring naimpluwensyahan ng Carassius carassius at Carassius gibelio. Una silang pinalaki para sa kulay sa Tsina mahigit isang libong taon na ang nakalilipas. Dahil sa piling pag-aanak, ang mga goldfish ay nabuo sa maraming natatanging lahi, at matatagpuan sa iba't ibang kulay, huwaran ng kulay, anyo at sukat na malayong naiiba sa orihinal na karpa. Ang mga goldfish ay iningatan bilang isdang pampalamuti sa Tsina sa loob ng libu-libong taon bago ipinakilala sa bansang Hapon noong 1603, at sa Europa noong 1611.[29]

Ang Nishikigoi, na mas kilala bilang koi, ay isang domestikadong uri ng karaniwang karpa at karpang Amur (Cyprinus rubrofuscus) na piling pinarami para sa kulay. Ang karaniwang karpa ay ipinakilala mula sa Tsina hanggang bansang Hapon, kung saan ang piling pag-aanak noong dekada 1820 sa rehiyon ng Niigata ay nagresulta sa koi.[30] Sa kulturang Hapon, ang koi ay tinatrato nang may pagmamahal, at nakikita bilang suwerte.[31] Ang mga ito ay sikat sa ibang bahagi ng mundo bilang isdang makikita sa mga tubigan.[32]

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads