Kasalan

Seremonya kung saan pinag-iisang-dibdib ang dalawang tao From Wikipedia, the free encyclopedia

Kasalan
Remove ads

Ang kasal o matrimonyo, bagaman isang kasunduan ng puso, diwa, at isipan, ay ginagawad at ipinagdiriwang bilang simbolo ng pagpapahayag sa lipunan o komunidad ng pag-iisang-dibdib ng dalawang tao. Magkakaiba ang anyo ng pagdiriwang at tradisyon sa bawat lugar sa mundo, at kadalasang ayon sa kultura, pangkat etniko, pananampalataya, paniniwala, lahi, at bansa ng mga ikinakasal.[1]

Thumb
Ang seremonyas ng kasal sa loob ng simbahang Katoliko.
Para sa ibang gamit, tingnan ang kasal (paglilinaw).
Remove ads

Kaugaliang pangkasal sa Pilipinas

Ang lalaking ikakasal ay kadalasang nagsususot ng Barong Tagalog, kasama ng mga abay nito, subalit ngayon ang mga mayayayaman ay nagsusuot na rin ng kanluraning damit gaya ng tuxedo. Ang kasal na ginanap sa loob ng isang taon ng dalawang magkapatid, kadalasan ng dalawang magkapatid na babae, ay tinatawag na Sukob, ay iniiwasan dahil ito ay pinaniniwalaang magdadala ng malas. May mga paniniwala din na pagnalaglag ang singsing sa lupa ay tanda ng kamalasan. Kadalasan ding makikita sa kasal sa Pilipinas ang pagsasabit ng mga perang papel sa bagong kasal sa kanilang unang sayaw.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads