Kathryn Bernardo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo na mas kilala bilang Kathryn Bernardo, (ipinanganak Desyembre 16, 1990) ay isang Pilipinang aktres, mang-aawit at mananayaw sa Pilipinas.[4]
Si Kathryn Bernardo ay kinikilalang Box Office Queen sa Pilipinas, kilala sa kanyang mga matagumpay na romantic-comedy films na tumabo sa takilya sa mainstream bilang exclusive contract artist ng ABS-CBN. Kabilang sa kanyang pinakatanyag na pelikula ang She’s Dating the Gangster, Crazy Beautiful You, Barcelona: A Love Untold, The Hows of Us, at Hello, Love, Goodbye. Ang kanyang mga pelikula ay hindi lamang nagtagumpay sa lokal na merkado kundi naging simbolo rin ng modernong kabataang Pilipino sa pelikula. Marami sa mga ito ay pinuri sa parehong acting range at emotional maturity.[5]
Si Kathryn Bernardo ay nanalo ng kanyang kauna-unahang FAMAS Best Actress Award para sa kanyang pagganap sa pelikulang A Very Good Girl noong 2024 sa direksyon ni Petersen Vargas, handog ng Star Cinema ABS CBN Production. Ang nasabing pelikula ay isang dark comedy kung saan nakasama niya ang Golden Globe Nominee na beteranang Filipina aktres na si Dolly de Leon. Ipinagdiwang ng FAMAS ang kanyang maturity bilang isang aktres na humihiwalay na sa mga dating romantic-comedy at wholesome roles.[6]
Bilang bahagi ng promosyon ng pelikula, dinaluhan ni Bernardo ang Hollywood premiere ng A Very Good Girl na ginanap sa Estados Unidos, isang makasaysayang sandali para sa isang mainstream na Filipinang aktres. Ito rin ang kauna-unahang lokal na mainstream na pelikula mula sa Pilipinas na nabigyan ng ganitong kagrandiyosong premiere night, kung saan dumalo ang ilang kilalang personalidad sa Hollywood at ilang miyembro ng media. Itinuturing itong unang pelikulang handog ng ABS-CBN na nagkaroon ng Hollywood premiere, bago pa nagsunod-sunod ang iba pang lokal na pelikulang Filipino handog ng Star Cinema. Umani ng papuri ang pagganap nina Bernardo at De Leon, lalo na sa gitna ng pandaigdigang temang tinatalakay ng pelikula.[7]
Remove ads
Tungkulin
Tungkulin sa Pag-akting
Tungkulin sa Pag-awit
Maraming taon rin na si Kathryn ay nakikipagsapalaran sa pag-awit, katulad ng pag-ambag niya ng mga kanta para sa soundtrack albums ng kanyang mga drama serye at pag guest sa DOS Concert ni Daniel Padilla.
Diskograpiya

Mga Album
Music Videos
Paglabas sa mga MV
2010
2012
|
2013
2014
|
Mga Singles
Remove ads
Pilmograpiya
Pelikula
Telebisyon
Remove ads
Mga sanggunian
Mga Panlabas na Kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads