Kerubin
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang kerubin[1] ay mga nilalang ng kalangitan na naglilingkod sa Diyos. Kauri ito ng mga anghel.[2] Karaniwang nilalarawan ang mga ito bilang mga batang anghel o munting anghel na maaaring ulo lamang hanggang leeg ang makikita at may mga pakpak, subalit maaari ding may katawan. Sa katunayan, nagmula ang salitang kerubin sa mga salitang cherub (isahan) at cherubim (maramihan) ng Ingles, na nangangahulugang "anghel." Matutunghayan ang pagbanggit sa mga anghel o kerubin mula sa Lumang Tipan ng Bibliya. Sa Henesis 3:24, mga anghel ang nagbabantay sa puno ng buhay na nasa loob ng Halamanan ng Eden. Sa Exodo 25: 18-22, dalawang kerubin, o kaya dalawang nasa hustong gulang na mga anghel, na yari sa ginto ang nakapalamuti sa kaban ng tipan upang sumagisag sa pagsaklob ng naganap na pagtubos sa kasalanan ng tao. Sa Una (1 Samuel 4:4) at Ikalawang Aklat ni Samuel (2 Samuel 6:2), nagpapahiwatig ang wangis ng mga anghel na may nakabukas na mga pakpak para sa isang pook na kinaroroonan ng Diyos, sapagkat hindi mapapaloob, maikukulong, o maikakatawan ang Diyos ng iba pang mas mainam na mga bagay. Sa Aklat ni Esekiel 10, nilarawang lumipad ang mga kerubin na nakapaibabaw sa kanila ang luklukan o trono ng Diyos, bilang tanda na ang Diyos ang lumisan mula sa templo.[3]

Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads