Komisyon sa Halalan
ahensiya ng pamahalaan na may katungkulan sa mga halalan, reperendum, at plebisito sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Komisyon sa Halalan[1][2] (COMELEC, kilala rin bilang Komisyon ng Halalan; Inggles: Commission on Elections) ay isa sa tatlong Komisyong Konstitusyunal sa Pilipinas.[3] Ang COMELEC ang naatasang magpatupad ng mga batas panghalalan at magsagawa ng malinis, maayos, tahimik at malayang halalan.
Remove ads
Kabuuan
Ang Komisyon ay binubuo ng isang Tagapangulo at anim na mga Komisyonado. Ang mga kwalipikasyon ay ang mga sumusunod:
- Katutubong inianak na mamamayan ng Pilipinas;
- Tatlumpu't limang taong gulang sa panahon ng pagkakahirang sa kanila;
- Naghahawak ng titulo sa kolehiyo; at
- Hindi kailanman naging kandidato sa anumang katungkulang halal sa halalang kagyat na sinundan
Ang mayorya, kasama na ang Tagapangulo, ay dapat na mga kabilang sa Philippine Bar na nagpraktis bilang abogado sa loob ng sampung taon man lamang.[4]
Ang Tagapangulo at mga Komisyonado ay dapat hinihirang ng Pangulo sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghihirang sa isang pitong taong taning ng panunungkulan na hindi muling mahihirang. Sa mga naunang nahirang, tatlong (3) kagawad ang manunungkulan sa loob ng pitong taon, dalawang kagawad sa limang taon at mga nalalabing kagawad sa tatlong taon na hindi na muling mahihirang. Ang paghirang ukol sa ano mang bakante ay dapat lamang na sa di-natapos na bahagi ng taning na panahon ng panunungkulan ng hahalinhan. Hindi dapat hirangin o italaga ang sinumang kagawad sa katayuang pansamantala.[5]
Remove ads
Kapangyarihan ng Komisyon sa Halalan
Ang Komisyon ay may kapangyarihan ng tulad ng sumusunod:[6]
- Magpatupad at mamahala sa pagpapatupad ng lahat mga batas at regulasyon na kaugnay ng padaraos ng halalan, plebisito, initiatibo, reperendum at recall;
- Gampanan ang eksklusibong orihinal na hurisdiksiyon sa lahat ng mga hidwaan tungkol sa mga halalan, mga kinalabasan, at katangian ng lahat ng halal na mga pinunong pangrehiyon, panlalawigan, at panglungsod;
- Magpasya, magtangi doon sa mga may kinalaman sa karapatan sa pagboto, sa lahat ng mga suliranin tungkol sa mga halalan, kasama ang pagpapasya sa bilang at kinalabasan ng mga botohan , paghirang ng mga pinuno at mga inspektor ng halalan, at pagrerehisto ng mga botante;
- Magsugo,sa pagsang-ayon ng Pangulo, sa mga sangay at kasangkapang taga-pagpatupad ng batas ng Pamahalaan, kasama ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ukol sa tanging layuning matiyak ang malaya, maayos, malinis, mapayapa at kapani-paniwalang halalan;
- Irehistro, pagkaraan ng sapat na paglalathala, ng mga partido, mga organisasyon,o mga koalisyong pampolitika na bukod sa iba pang mga katangian, ay kinakailangang magharap ng kanilang plataporma o programa ng pamahalaan, at kilalanin ang mga lingkod-bayan ng Komisyon sa Halalan;
- Batay sa beripikadong sumbong o sa pagkukusa nito, magharap ng mga petisyon sa hukuman ukol sa pagdarakip o pagwawaksi ng mga botante sa rehistro ng mga kwalipikadong botante, sisiyasatin at usigin ang paglabag sa mga batas sa halalan;
- Itagubilin sa Kongreso ang mga mabisang hakabangin upang mapaliit ang gastos sa halalan, ang pagtatakda ng lugar na paglalagyan ng mga kagamitan sa propaganda, mapigil at maparusahan ang lahat ng uri ng pandaraya, mga pagkakasala at masasamang gawain sa halalan;
- Itagubilin sa Pangulo ang pag-aalis sa sinumang pinuno o kawani na isinugo nito o pagpapataw ng anumang iba pang aksiyong disiplinaryo, dahil sa paglabag o pagwawalang-bahala , o pagsuway sa mga tagubilin, utos , o pasya nito, at;
- Iharap sa Pangulo at sa Kongreso ang komprehensibong ulat tungkol sa pamalakad ng bawat halalan, plebisito, initiative, reperendum, o recall.
Ang Komisyon ay may kapangyarihang magpasya en banc o sa dalawang dibisyon. Dapat ding maglagda ng mga alituntunin ng pamamaraan nito upang mapadali ang pagpapasya sa mga kaso na may kaugnayan sa halalan kabilang ang mga hidwan bago iproklama ang nanalo.
Ang alin mang patawad, amnestiya, o suspensiyon ng kaparusahan sa paglabag sa mga batas , tuntunin, at mga alituntunin ng halalan ay hindi dapat ipagkaloob ng Pangulo nang walang pagsang-ayon ng Komisyon.
Remove ads
Mga Kagawaran ng Komisyon
Ang punong tanggapan ng Komisyon sa Intramuros, Maynila ay binubuo ng siyam na kagawaran:
- Kagawaran ng Batas (Law Department)
- Eleksiyon at Gawaing Pambarangay
- Protestang Elektoral at Adhudikasyon
- Kagawaran ng Edukasyon at Kabatiran (Eduacation and Information Department)
- Talaan ng Eleksiyon at Estadistika
- Gawaing Administratibo
- Gawaing Pananalapi
- Pantauhan (Personnel)
- Pagpaplano (Planning Department)
Kasaysayan

Bago naitatag ang Komisyon, ang mga halalan sa Pilipinas ay pinamamahalaanan ng mga Kalihim ng Interyor na may malawak na kapangyarihan at karapatang pigilin o alisin sa tungkulin, sa pahintulot ng Pangulo ng Pilipinas, ang sino mang inaakalang hindi kanais-nais na opisyal sa pamahalaan. Ang hukuman ang dumidinig sa mga suliraning kaugnay sa karapatan sa pagboto at protesta ng mga kandidatong talunan. Ang Komisyong Elektoral na binubuo ng tatlong (3) Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman at anim (6) na kasapi ng Pambansang Asembleya (National Assembly) ang siyang dumirinig at humahatol sa mga protesta ng mga kaanib nito.
Subali't sumapit ang sandaling nagkaroon ng hinalang ang halalan ay ginagamit na kasangkapan ng mga Kalihim Panloob upang pagbigyan ang partido pampolitika ng Pangulo na kanila ring kinaaaniban. Ang malapit na ugnayang namamagitan sa Pangulo at Kalihim Panloob ang hinihinalang sanhi ng kalimita'y hindi malinis na halalang nagaganap. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari, ang Pambansang Asembleya ay nagpasyang susugan ang Saligang Batas (ng 1935) at bumubuo ng isang Komisyon sa Halalan na papalit sa gawain ng Kalihim Panloob. Pinagtibay ng Pambansang Asembleya sa bisa ng resolusyon Bilang 73 noong 11 Abril 1940 ang tatlong susog sa probisyon ng Saligang Batas (ng 1935) na:
- Payagan ang re-eleksiyon ng Pangulo;
- Magtatag ng sistemang bikameral na lehislatura na bubuhay sa Senado; at
- Lumikha ng nagsasariling Komisyon sa Halalan.
Ang mga susog na ito sa Saligang Batas ay niratipikahan ng mamamayan ng magdaos ng plebisito noong 17 Hunyo 1940 na isinumite sa Pangulong Franklin Delano Roosevelt upang pagpasyahan. Sa dahilang hindi pa nagkakabisa ang mga pagbabagong nabanggit, ipinasa ng Pambansang Asembleya ang Batas Komonwelt Bilang 607 nagtatag ng isang Komisyon sa Halalan na mamamahala sa halalang idadaos sa 10 Disyembre 1940. Samantala, ang mga susog sa Saligang Batas ay ganap na nagkabisa noong 2 Disyembre 1940 matapos itong sang-ayunan ng Pangulo ng Estados Unidos.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng reorganisasyon ang Komisyon noong 22 Hunyo 1941 at sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 657, mula sa pagiging batas ay naging ganap na katauhang Konstitusyonal ang Komiyon. Itinakda ng 1935 Saligang Batas, na sinusugan, na manunungkulan ang Tagapangulo nito ay manunungkulan ng siyam (9) na taon, ang unang kagawad ay anim (6) na taon at ang pangalawang kagawad ay tatlong (3)taon. Sila ay maari lamang maalis sa kanilang tungkulin sa pamamagitan ng impeachment. Sila ay tatanggap ng sahod ma hindi maaring dagdagan o bawasan sa panahon ng panunungkulan, mamamahala at magpapatupad ng mga batas panghalalan at may kapangyarihang humatol sa mga suliraning may kinalaman sa halalan maliban sa karapatan sa pagboto na tanging mga hukuman lamang ang may kapangyarihang humatol.
Remove ads
Galeriya Ng Mga Tagapangulo
- Leonardo Perez
nagsilbi: Mayo 29, 1973 hanggang Mayo 17, 1980 - Vicente Santiago
nagsilbi: 1980-1985 - Hilario Davide Jr.
nagsilbi: Pebrero 15, 1988-Enero 12, 1990 - Bernardo Pardo nagsilbi 1990-1998
- Sixto Brillantes
nagsilbi: Enero 17, 2011-Pebrero 2, 2015 - Andres Bautista
nagsilbi: Abril 28, 2011 hanggang Oktubre 23, 2917 - Saidamen Bait Pangarungan
nagsilbi: Marso 8 - Hunyo 1, 2022 (ad-interim) - George Erwin Garcia
kasalukuyang nagsisilbi
Remove ads
Tagapangulo at Komisyoner
1. ^ Si Lininding Pangandaman ang kauna-unahang Muslim na nahirang bilang Komisyonado ng Komisyon sa Halalan.
2. ^ Ang mga bumubuo ng Komisyon bago naganap ang Rebolusyong Lakas Sambayanan sa EDSA
3. ^ Ang mga bumubuo ng Komisyon bago naganap ang Rebolusyong Lakas Sambayanan sa EDSA
4. ^ Si Haydee B. Yorac ay ang kauna-unahang babaeng nahirang na Komisyonado ng Komisyon.
5. ^ Si Ramon H. Felipe ay gumanap na Tagapangulo ng Komisyon mula 11 Abril 1986 hanggang sa siya'y hirangin ni Pangulong Corazon C. Aquino bilang ganap na Tagapangulo noong 23 Hulyo 1986.
6. ^ Nang si Davide ay hirangin ni Pangulong Aquino bilang Tagapangulo ng Fact Finding Commission na naatasang magsiyasat sa kudeta noong 1989, si Yorac ang gumanap na tagpanhulo ng Komisyon hanggang ang bagong Tagapangulo Christian S. Monsod at mapili noong 1991.
Remove ads
Mga Halalang Pinangasiwaan ng Comelec
Pampanguluhan (Presidential)
1. ^ Batay sa Batas Republika Bilang 725, gaganapin tuwing ikalawang Martes sa buwan ng Nobyembre kada apat na taon ang halalan sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Kinatawan sa Kongreso at mga lokal na posisyon, at kada dalawang taon naman sa mga Senador.
2. ^ Ang tanggapan ng Pangalawang Pangulo ay inalis sa Saligang Batas ng 1973 ngunit ito ay ibinalik ng susugan ang Saligang Batas noong 1984
3. ^ Si Ferdinand Marcos ang opisyal na ipinoroklama ng Batasang Pambansa na nagwagi sa halalang Snap ngunit ito ay pinawalang-bisa ng EDSA People Power Revolution na nagpabagsak sa pamahalaang Marcos noong 25 Pebrero 1986. Ayon sa bilang ng NAMFREL, si Corazon Aquino diumano ang tunay na nagwagi sa halalan.
Kongresyonal (Congressional)
Mga Plebisito at Reperenda
Halalan sa Batasang Pambansa
Mga Lokal na Halalan
Remove ads
Mga sanggunian
Mga panlabas na kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads