Lalawigan ng Istanbul
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Lalawigan ng Istanbul (Turko: İstanbul ili), kilala din bilang Kalakhang Munisipalidad ng Istanbul (İstanbul Büyükşehir Belediyesi)[2] ay isang lalawigan sa Turkiya. May sukat itong 5,343.02 kilometro kuwadrado (2,062.95 milya kuwadrado) at matatagpuan sa rehiyon ng Marmara sa hilagang-kanluran ng bansa, pinapaligiran ito ng Lalawigan ng Tekirdağ sa kanluran at Lalawigan ng Kocaeli sa silangan. Ang Kipot ng Bosphorus sa pagitan ng Dagat Itim sa hilaga at ang Dagat ng Marmara sa timog ang naghahati sa Istanbul sa mga panig ng Europa at Asya, na isa sa dalawa lamang transkontinental na lalawigan sa Turkiya, kasama ang Lalawigan ng Çanakkale.
May populasyon ang Istanbul ng 14,804,116 noong 2016, na siyang pinakamataong lalawigan sa Turkiya.[3][4] Sa populasyong 12.9 million noong 2009, mga 8 million dito ang nanirahan sa panig ng Europa at natitirang mga 5 milyon ang nakatira sa panig ng Asya.[5]
Simula noong 2004, ang Lalawigan ng Istanbul at ang kalakhang munisipalidad ng Istanbul ay may parehong mga hangganan, na ginagawa ang parehong lungsod at ang lalawigan bilang coterminous.[2]
Remove ads
Mga distrito
Panig ng Asya
Panig ng Europa
Remove ads
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads