Lalawigan ng Kırklareli
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Lalawigan ng Kırklareli (Turko: Kırklareli ili, Bulgaro: Лозенград)ay isang lalawigan sa hilagang-kanlurang Turkiya sa kanlurang baybayin ng Dagat Itim. Ang lalawigan ay nasa hangganan ng Bulgaria sa hilaga na may isang 180-kilometro (110 milya) mahabang hangganan. Napapligiran din ito ng mga lalawigan ng Edirne sa kanluran at ang lalawigan ng Tekirdağ sa timog at abg lalawigan ng Istanbul sa timog-silangan. Kırklareli ang kabiserang lungsod ng lalawigan.
Remove ads
Agrikultura
Isang mahalagang rehiyon ang lalawigan ng Kırklareli para sa viticulture at paggawa ng alak. Isang arnibal na tinatawag na "Hardaliye", gawa sa ubas, mga dahon ng seresa at buto ng mustasa, ay isang inuming walang alkohol na natatangi sa rehiyon.[2][3]
Mga distrito

Ang lalawigan ng Kırklareli ay nahahati sa 8 distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):
- Babaeski
- Demirköy
- Kırklareli
- Kofçaz
- Lüleburgaz
- Pehlivanköy
- Pınarhisar
- Vize
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads