Lalawigan ng Trabzon
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Lalawigan ng Trabzon (Turko: Trabzon ili) ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa baybayin ng Dagat Itim. Matatagpuan sa isang mahalagang estratehikong rehiyon, ang Trabzon ang pinakamatandang puwertong lungsod ng kalakalan sa Anatolia. Kabilang sa mga katabing lalawigan ang Giresun sa kanluran, Gümüşhane sa timog-kanluran, Bayburt sa timog-silangan at Rize sa silangan. Ang kabiserang panlalawigan ay ang lungsod ng Trabzon. Ang mga pangunahing pangkat-etniko ay ang mga Turko, ngunit nasa lalawigan din ang minoryang Muslim na mananalita ng Pontikong Griyego,[2] bagaman hindi palagiang matatas ang mga mas batang mananalita ng wikang ito.
Remove ads
Mga distrito
Nahahati ang lalawigan ng Trabzon sa 18 distrito:
- Trabzon (Kalagitnaang distrito, pagkatapos ng 2014, ipinangalan itong Ortahisar)
- Akçaabat
- Araklı
- Arsin
- Beşikdüzü
- Çarşıbaşı
- Çaykara
- Dernekpazarı
- Düzköy
- Hayrat
- Köprübaşı
- Maçka
- Of
- Şalpazarı
- Sürmene
- Tonya
- Vakfıkebir
- Yomra
Mga distrito na nasa 114 km baybayin (mula kanluran patungong silangan): Beşikdüzü, Vakfıkebir, Çarşıbaşı, Akçaabat, Yomra, Arsin, Araklı, Sürmene at Of.[3]
Mga distrito nasa loob ng bansa: Tonya, Düzköy, Şalpazarı, Maçka, Köprübaşı, Dernekpazarı, Hayrat at Çaykara.
Natamo ng Beşikdüzü at Şalpazarı ang pagiging distrito noong 1988 habang ang Çarşıbaşı, Düzköy, Köprübaşı, Dernekpazarı at Hayrat noong 1990.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads